CHAPTER FIVE: My Personal Driver

1223 Words
MY PERSONAL DRIVER I woke up when my alarm rings. Dali-dali akong kumilos. Naghilamos muna ako saka bumaba. Hindi rin ako nagpalit, nakapantulog pa rin. Half sleep pa ako kaya hinayaan ko nalang. While walking downstairs, I noticed no one's around. Kinusot ko ang mga mata. And stretch my arms in the air. "Nanay Lumeng?" Pumasok ako ng kusina ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. Kumuha muna ako ng water sa ref at nagsalin sa baso. "Nanay Lumeng? Nanay Lumeng?" I drink water while waiting for her response. Nakatingin pa ako sa direksiyon ng maids room, nagbabakasakaling lumabas siya roon. Ngunit imbes na pigura ni Nanay Lumeng ang lumabas, isang shirtless guy na naka-itim na short ang sumulpot at lumabas mula sa maids room. Basa pa ang buhok nito at may tuwalya sa kaliwang balikat. Natulala ako saglit bago nabulunan. Inilapag ko ang baso sa counter saka sumigaw. "YOU!" Tumigil ito saka napatingin sa akin. At hindi nga ako nagkamali, once our eyes met, nanlaki ang mga mata namin dalawa. "Y-You!" Bumuka ang bibig nito ngunit walang lumabas na salita. Agad akong lumayo at tinuro siya. "What are you doing here?! Paano ka nakapasok?! Pati ba naman dito, magpapapansin ka?!" sunod-sunod na sigaw ko. Wala pa ring salita na lumabas sa bibig nito. Nakatunganga lamang ito sa akin na para bang nakakita siya ng multo. Yes, he's the guy on that milktea shop. At paano siya nakapasok dito? Paano niya nalaman ang bahay ko? Stalker ba 'to? "What?! Say something?! How did you get in to our house?! Sino nagpapasok sa 'yo? Answer my questions!" Ngunit wala akong nakuhang sagot. "Ano bang ingay mayroon diyan?" Biglang sumulpot si Nanay Lumeng sa likod nito. Naglakad ito palapit sa akin. "Gising ka na pala—". I cut her off. "Nay Lumeng, paano nakapasok 'yan dito?" Tinuro ko ulit ang guy na wala pa ring imik. Nakatingin lang ito sa akin na nagdagdag sa inis ko. Nawalan na ba siya ng boses?! Natigil si Nanay Lumeng sa paglapit sa akin at nilingon ang tinuro ko. "Oh, hijo? Bakit narito ka pa? Magbihis ka na at nakakahiya sa amo mo," ani Nanay Lumeng. Sasang-ayon na sana ito sa sinabi ni Nanay Lumeng ngunit agad akong tumutol. "Wait, Nay!" pigil ko dahilan para mapatingin sila ulit sa akin. Gulong-gulo ako sa nangyayari. "Bakit mo naman po hahayaan na maglibot-libo 'yan dito? Eh, hindi naman na 'tin 'yan kilala! Tatawag ako ng guard—" "Eara, hija, kumalma ka," kalmadong anito. "Ipapaliwanag ko sa iyo mamaya." Bumaling ito sa lalaki. "Magbihis ka na muna hijo tapos bumalik ka rito." "O-Opo." Dali-dali itong tinakpan ang katawan gamit ang tuwalya at naglakad paalis. Hindi ko inalis nag tingin sa lalaki hanggang sa makalabas ito. Nang makalabas ito ay agad kong nilapitan si Nanay Lumeng. "Kilala niyo po 'yon? Sino po siya? Bakit siya nandito? Anak niyo po? Pamangkin? Apo sa tuhod?" sunod-sunod na tanong ko. Natawa si Nanay Lumeng saka iginaya ako paupo. "Wala sa nabanggit, anak. Siya 'yong sinasabi ng daddy mong bago mong personal driver. Akala ko ay nasabi na sa 'yo ng daddy mo?" Natahimik ako at pinagdugtong-dugtong ang mga nangyayari. Natawa sa akin si Nanay Lumeng. "O, sya, sige mag-isip ka na muna riyan. Iinitin ko lang itong almusal mo." Hindi ko siya pinansin at patuloy iniisip ang nagyayari. "Ahh!" sigaw ko nang mapagtanto ang lahat. "Was he the son of Manong?" "Oo, hija, siya nga." "But..." Siya rin iyong guy na nagpapapansin sa akin kahapon sa milktea shop. What a small world. "Sure ka ba riyan, Nay?" Tumigil si Nanay Lumeng sa pagluluto at hinarap ako. "Aba'y ang batang 'to, ginawa pa kong sinungaling," biro nito. "'Nay naman..." ani ko. "Naninigurado lang po ako." "Siguradong siya nga, anak. Hinatid siya rito ng ama niya at pinakilala sa amin ng daddy mo." Tumango ako. Hindi ko alam ang sasabihin. "Oh, sya, kumain ka na baka gutom lang 'yan. Kumain ka na at baka mahuli ka sa klase." Nilapg nito amg ininit na almusal. "Salamat, Nay." Tumingin ito sa gawing pinto. "Ang tagal naman kumilos ng isang 'yon? Yiago!" sigaw nito. Nagsimula na akong kumain habang bumalik naman saglit si Nanay Lumeng sa silid nila. I am eating peacefully when the guy named Yaigo, according to Nanay Lumeng, approach me. "Hi, ma'am." Natigilan ako sa pagkain at hinarap siya. Unlike kanina, he is wearing the driver's attire. Nakangiti ito habang nasa magkabilang gilid ang mga kamay. "What?" "Ah... pwedeng umupo?" Tinuro nito ang upuan malapit sa akin. Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa pagkain. Nakiramdam muna siya bago umupo sa tinuro niya. Tinignan ko siya. Nginitian lang ako nito saka tuluyang umupo. Tahimik kamkng dalawa. He started to get food for himself. Hindi naman ako kumibo. Pinapanood ko lang ang ginagawa niya. Not until he suddenly talk. "Salamat sa pagkain," aniya saka kumain. The whole time ay wala kaming kibo. I observe him. Dumating si Nanay Lumeng bago pa ako matapos kumain. Nagkuwento ito ng ilang bagay bago ako nagpaalam na maliligo na. I already fixed myslef. Bumaba ako at dumiretso sa parking. He's standing beside the car while looking at me. Nang makalapit ay pinagbuksan ako nito. Walang kibong pumasok naman ako. Buong biyahe ay tunog lamang ng radyo ang maririnig sa loob ng sasakyan. Nakadungaw ako sa bintana kahit na ramdam ko ang minsanang titig niya. Nakarating kami ng parking sa school na wala akong kibo. Bumaba ito at pinagbuksan ulit ako. Dali-dali akong lumabas. Iiwan ko na sana siya nang magsalita ito. "Ah, ma'am, paano po pala kita masusundo mamaya?" Hinarap ko siya at maarteng tinignan. "May​ phone ka ba?" Umiling ito. Kumunot naman noo ko. "Bakit?" Umiling lang ulit ito. I sigh. "My class ends at 4pm." Tatalikuran ko na sana siya ngunit may hirit na naman siya. "Ah, ma'am..." "What?" Napakamot siya sa batok nang makita ang inis kong mukha. "Shift ko pa kasi no'n sa milktea shop na pinuntahan niyo kahapon," he said. "And so?" "Ah... baka pwede pong sa milktea shop na po kayo dumiretso?" "What? Inuutusan mo ba ko?" "Naku, hindi, ma'am!" umiling-iling ito. "Kung pwede lang naman." "Whatever!" I turn my back and start to walk. Pero natigilan ako at may naisip. Humarap ulit ako. Naabutan ko siyang papasakay na kaya agad akong nagsalita. "Teka." Agad siyang humarap. "Po?" "Bakit nga pala, kahapon..." I utter. Hindi ko alam kung tama bang itanong ko sa kaniya ito. "Hmm?" "Bakit nagpapapansin ka sa 'kin kahapon!" Imbes na patanong ay pasigaw ko itong nasabi. "Ah, tungkol po ro'n. Namukhaan po kasi kita, pinakita kasi ni Itay ang larawan mo sa akin kaya no'ng nakita kita kapahon, sinubukan kong pag-aralan mukha mo kung ikaw talaga iyong pinagsisilbihan ni tatay. At totoo nga na ikaw iyon," he explain. I nodded. Medyo nakaramdam ako ng hiya. I judge him. Este, ang mga kaibigan ko ang nagjudge sa kaniya not me. Mga assumera kasi! "Okay." He smile. "Mas maganda ka kasi sa personal keysa sa larawan." He laugh. Naramdaman kong namula ang mga pisnge ko dahil sa ngiti, tawa at sinabi niya. His laughter hit differently. "A-Alam ko!" Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad papasok ng building. Hindi niya na dapat minention, I know, myself, that I am beyond beautiful! ___ DB
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD