CHAPTER 27: COMFORTABLE Inalalayan ulit ni Yaigo paakyat ang mama niya. Magpapahinga raw ulit ito dahil sumasakit na naman ang paa niya. Maga ito nang makita ko, mukhang napuruhan. Magkatabi naman kami ni Carla rito sa sala nila habang nanonood ng TV. Hindi ko man gusto ang pinapanood pero naaliw ako kay Carla dahil halos ikwento niya na sa akin ang barbie na palabas. "Sabi ko sa'yo, ate, mamamatay siya, e, 'di ba?" Tumango ako. "Napanood mo na ata 'yan e." Ngumiti siya. "Opo, ate, maraming beses na." Patuloy siya sa pagkwento sa akin. Nakita ko na pababa si Yiago habang may dala-dalang mga damit. Mukhang labahan na damit. Sumenyas ito na tutungo sa likod bahay nila kaya tumango ako. Pinagmasdan ko ang likod niya habang naglalakad papunta sa likod bahay hanggang sa mawala s

