CHAPTER 33: A Day Before Vacation "Ano? Ano? Pinayagan ba kayo?" It's saturday night. I was lying on my bed when Jec ring our GC. Kahapon ko pa sila tinatanong kung pinayagan sila but hindi pa raw nila sinasabi. Nagpapa-good shot muna raw sila sa mga parents nila para payagan. "OO!" sigaw ni Rose. "Tignan mo nga, nag-iimpake na 'ko!" Pinakita niya sa amin ang maleta niyang nasa ibabaw ng kama. "One week ba tayo ro'n?" "Hindi ko pa sure. Dala na lang kayo ng extra." Sabi ko saka bumaling kay Jec. Nawala ang ngiti ko nang nakasimangot siya? "Ikaw, Jec? Ano sabi?" Sumimangot siya lalo. "Hindi ka pinayagan?" tanong ni Rose, gulat. Hindi sumagot si Jec. Tinakpan niya lang ang mukha ng unan. Nakahiga kasi siya. Nawala ang saya ko. Mas masaya kung kasama ko silang dalawa. Paano na ngayo

