CHAPTER 20: JUST ACT "Iba rin ang kamandag niyang personal driver mo 'no. Maski rito sa cafeteria usap-usapan siya," ani Jec. Napatingin ako sa grupo ng mga babae. Nang madaanan kasi namin ang table nila, narinig nila Jec ang pangalan ni Yiago. Malamang tungkol na naman sa sss account ang pinag-uusapan nila. Tss. What's the big deal with? Gumawa lang naman siya ng account pero kung magkagulo sila ay para bang may scandal itong ginawa. "Oh, 'te, kumalma. Sa'yo pa rin uuwi si Yiago," natatawang saad ni Rose. "What?" "Sama kasi ng tingin mo sa mga babae." "Duh, wala akong pake. Do whatever they want, I don't care." "Talaga ba?" pang-aasar ni Jec. Umirap ako. Buong pag-stay namin sa cafeteria ay pulos Yiago pinag-usapan namin. Ewan ko ba sa dalawang 'to bakit parating gustong pag-usapa

