CHAPTER 56: Long Night EXACTLY six in the evening when Richard and his dad left our house. Alam ko na sinadya iyon ni Dad para magpalagayan kami ng loob ng anak ng kaibigan niya. Kaai after they left, tinanong ako ni dad tungkol sa pinag-usapan namin. We were having our dinner when he opened it up. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Nakangiting tanong niya. Nginuya ko muna ang nasa bibig bago nagsalita. "Okay naman, dad. Mabait naman siya." Simpleng sagot ko. Napatitig sa akin si Dad na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Mabait lang?" Confused na tanong niya. "Ano-ano bang pinag-usapan niyo at parang nabitin ka yata?" Asar niya. Umiling ako. Ano bang sinasabi nito ni Dad? Anong nabitin, e, sa iba ako nabitin! Paano, sa buong pananatili namin ni Richard sa garden ay hindi sa kan

