CHAPTER 41: Jealous 3 "Nag-transfer out daw si Franz." Ayan ang bungad sa akin ni Jec nang pumasok ako sa room isang umaga. Sa gate pa lang ay may nakasabay na akong mga kaklase ko na sinasabi na nag-transfer out na nga raw si Franz. But I did not believe. Hanggang hindi ko napapatunayan ay hindi ako maniniwala. So I ignore all those whispers and gossips but when I entered our classroom, Jec immediately stood up and walked towards me and tell that. "H-Huh? Bakit? Ano raw rason?" Naguguluhan kong sabi. Umiling siya. "Hindi ko alam. Dumaan dito kanina si Miss bago pumunta ng guidance para raw ayusin ang forms niya." Nakakagulat. Wala naman akong maisip na dahilan para mag-transfer out siya. Bukod sa pagiging pala-away niya ay wala na akong ibang nakitang pwedeng rason dahilan para gawi

