CHAPTER 44: Finally YIAGO <3 Good morning, mahal. Napapikit ako sa kilig. Araw-araw na 'kong nakakatanggap ng good morning at good night message sa kaniya. At hindi ko maitatangging kahit sa simpleng pagbati ay nagbibigay sa akin ng kasiyahan. Days passed by. Hindi ko masabi kung gaano ako kasaya. Bago kami umuuwi ng bahay, maggagala-gala muna kami. Hindi man sa mga mamahaling pasyalan pero napakamemorable naman. Madalas namin gawin iyon, ang magmuni-muni habang palubog ang araw at tuluyang sakupin ng dilim ang kapaligiran. Pero kahit na madilim, siya ang tanging liwanag na nagpapasaya sa 'kin. Ganito pala nag feeling no'n. Ganito pala kasaya at kasarap sa pakiramdam ng may taong nariyan sa tabi mo. 'Yung siguradong nandiyan. Napapatawa niya ako kahit sa maliliit na ba

