CHAPTER 54: KASUNDUAN LUMUHOD ako at nilagay ang isang bouquet na flower sa tabi ng puntod ni mom. Maaliwalas ang panahon at marahan na umiihip ang hangin. Hapon namin napagdesisyon ni Dad na umalis kina lola at tumungo rito sa puntod ni mom. "I miss you, mom." Nakangiting saad ko habang nakatingin sa puntod niya. Umupo ako gamit ang mga talampakan habang nakatanaw sa kaniya. Kanina pa kami rito nila Dad. Pero sabi ko ay magpapaiwan muna ko at hintayin na lamang nila ako sa sasakyan. I can't believe na nakayanan ko na wala si mom. Noon walang araw na hindi ako umiyak dahil parati ko siyang hinahanap. Paggising at bago matulog ay siya ang bukambibig ko. "Kumusta ka na po? Mom, I am happy na." Mas lumapad ang ngiti ko nang tila ba niyakap ako ng hangin. Ito ang sign na parati kong in

