HABANG naglalakad ay malikot ang mga mata ni Maxene. She was looking for Daniel. Kumusta na kaya ito? Ano na kaya ang hitsura nito ngayon? Single pa kaya o may anak na? Pero kasabay ng mga tanong na iyon ay ang pagkastigo niya sa sarili. Hindi na tamang isipin pa niya ang mga iyon ngayon. Hindi na siya dapat interesado sa mga bagay na may kinalaman kay Daniel. Naroon lang siya dahil sa pamilya nito. Iyon lang at wala ng iba. Period. Narinig niya ang malakas na sigaw ni Mr. Fulgencio. Maraming tao sa paligid nito at pilit niyang sinino ang mga iyon. Pilit na hinahanap ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na bulto ng taong matagal na niyang hindi nakikita. Pero bigo siya. There was no trace of the mouse. “Sa inyong lahat na naririto sa thanksgiving party ng aking mga anak, m

