“MAXENE, please. Don’t do this to yourself, hija!” It was her mom trying to calm her. Pero gustuhin man niya ay hindi niya magawang pangibabawin ang isip. Durog na durog ang pakiramdam niya. Masakit ang kalooban niya at sa pakiwari niya, bawat himaymay ng kanyang laman ay masakit dahil sa ginawa ni Daniel. Daniel was gone. Nang nagdaang gabi ay inakala niyang nagkaayos na sila. She kissed him and he kissed her back with equal intensity. O mas tamang sabihing higit pa nga yata. With his every kiss, she had felt how he truly loved her last night. Kaya naman takang-taka siya kinabukasan nang mula sa bintana ng kanyang silid ay nakita niya ang mga maletang ikinakarga ni Daniel sa sasakyan nito. Dali-dali siyang lumipat sa bahay nito pero hindi man lang niya nagawang m

