“YOU’RE so sweet. Thanks, Be.” Maxene kissed Daniel on the cheek. “Eherm,” biro nito, haplos ang batok. “What?” “Baka makita tayo ni Mama…ikaw din.” Natutop niya ang sariling bibig at agad siyang kinabahan doon. “Joke lang. Wala na sila.” Napasimangot siya at napayuko. Naramdaman niyang itinataas nito ang baba niya. “Aren’t you happy today?” “I’m happy, of course. Salamat ha. Mamaya na ‘yung gift ko sa bahay,” aniya. Hinawakan siya ni Daniel sa isang kamay at saka iginiya papasok sa loob ng silid nito. Nang makaupo siya sa kama nito ay mabilis nitong isinara ang pinto at isinusi iyon habang ang mga mata ay buong kapilyuhang nakatitig sa kanya. “What?” “What what?” gagad nito habang pilyo pa rin ang pagkakangi

