TAMA ang paniniwala ng marami na ang gamot sa pusong sugatan ay isang panibagong pusong nagmamahal. Iyan ang napatunayan ni Maxene. Mula nang araw na pumayag siyang lumabas kasama ni Eric ay muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Unti-unti ay nanunumbalik ang sigla niya at kahit paano ay nababawasan na ang sakit sa tuwing naaalala niya si Daniel. Ngayon ay pinag-iisipan niya kung tatanggapin niya ang panliligaw nito. Eric was a good person and she could sense his pure intentions to her. Kahit paanong taboy ang gawin niya rito noon kay Alaine ay hindi ito nabighani ng kanyang kaibigan. Sa unang kita palang daw kasi nito sa kanya ay aminado itong siya na ang babaeng kukumpleto sa buhay nito kaya hindi na nito nagawang ibaling ang pagtingin sa iba. Eric was also handsome in h

