NANG nagdaang gabi ay hindi umuwi ng bahay si Daniel. Alam ni Maxene dahil wala siyang alarm na narinig sa remote control niya kaya naman agad niyang tinawagan pagkagising si Trina. Dito niya nalaman na nakipagkita raw si Daniel kay Alaine. Sa simula ay nagtampo siya, nainis at naipangako sa sariling hindi babatiin ang lalaki pero sa huli ay siya rin ang hindi nakatagal. Saka ano ba naman ang karapatan niyang magtampo? Ni wala nga itong ideya na may pagtingin siya rito, kaya heto ngayon ang drama, maaga siyang lumipat sa bahay nito para lang makita ang lalaki. Inabutan naman niya ito, nakabihis na at tila may lakad. Nagtaka siya dahil kapag ganoong araw ng Martes ay ala-una pa dapat ang pasok nito. “May lakad ka?” Noon ito napatingin sa kanya pero saglit lang dahi

