Chapter 52

2772 Words

"Ilang beses ko bang sabihin sa'yo na ipaubaya mo na sa'kin ang mga White Kampflen!" dumagundong ang boses ni Aamon sa buong La Mashon. Kadarating lang nito at narinig ang sinabi niya. Hindi na kasingtikas ng dati ang hitsura nito. "Kahit ang paglusob sa Caprasar ay ipaubaya mo na rin sa iba!" dagdag pa ng ama. Nabawasan na ang tikas nito dahil sa kakulangan ng pinaghuhugutan ng lakas. Hindi na ito nakakapaglikha ng malawakang pinsala sa mundo ng mga tao katulad ng lindol, tsunami, bagyo, at iba pang kalamidad. Na siyang nagpapalakas noon nang husto sa kaniyang ama, lalo na kapag marami ang nasaktan at namatay. Hindi porke't magagamit siya nito balang araw ay mabait na sa kaniya si Aamon. Isa pa rin itong literal na demonyo at hindi isang ama. Ganoon din naman si Hedvig. Hindi ibig sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD