Chapter 22

1870 Words

PASIPOL-SIPOL na dumating si Noah sa gate ng Marcelino de Manila University. Mas pinaganda ng nangyari sa kanila ni Michelle ang araw niya. Mabuti na lang at maaga siyang pumasok kaya nagkaroon pa sila ng oras para mag-check in sa hotel. "Magandang umaga, Noah! Siyanga pala, si Arthuro," bati ng isa sa mga guwardiya ng unibersidad na si Paquito, sabay pakilala sa bago nitong kasamahan. "Siya ang pumalit kay Bogart." Siya naman ang ipinakilala nito. "At Arthuro, siya naman si Noah. Isa sa pinakamatagal at pinakamabait na janitor dito sa Marcelino. Mabait iyan at matalino. Estudyante rin siya rito kapag gabi." Nagkatinginan sina Noah at Arthuro. Mayroon sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag kung ano. Para itong naglilikha ng mumunting boses sa isip niya pero wala siyang maintindihan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD