Sa isang buwan ni Tristan bilang driver ni Zeniah, mayroong namumuong damdamin ang dalaga para kay Tristan. At ito ang unang beses na makadama siya ng kakaibang damdamin para sa isang lalaki. Kasalukuyang nasa bahay ni Elma si Zeniah para makipag- bonding sa kaibigan niya at uminom na rin ng kaunting alak. "Congratulations, besh! In love ka na! 'Yang nararamdaman mo, normal lang 'yan. Iyong tipong bibilis ang t***k ng puso mo kapag nandiyan siya, kakabahan ka o pagpapawisan ka ng malamig kapag napapalapit siya sa iyo, malulungkot ka kapag wala siya at marami pang iba! Sign 'yan na in love ka na nga besh sa yummy mong driver!" masayang sabi ni Elma. Humaba naman ang nguso ni Zeniah. "In love talaga? Hindi ba puwedeng crush ko lang siya, ganoon?" Mapanlokong ngumisi si Elma. "Loko! Ganoo

