"Selena...let's go?" nakangiting tanong ni Wallace. Marahang tumango si Selena. "Oo...ready na ako." Mabibigat ang paa ni Selena habang naglalakad patungo sa sasakyan ni Wallace. May parte sa kaniya na ayaw tumuloy sa kaniyang pag- alis. Ngunit mayroon namang parte sa kaniya na gustong- gusto ng umalis. Sa mga oras na iyon, mabigat ang dibdib ni Selena. Pero gusto niya talagang magkaroon na ng pagbabago sa kaniyang buhay. Kung maipapakita niya na may mararating siya. Na isang malaking pagkakamali ang pagsayang sa kaniya. "Selena...ayos ka lang ba?" tanong ni Wallace nang mapansing tahimik siya. Pinilit ni Selena na ngumiti. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako. Huwag mo akong intindihin..." Huminto sa paglalakad si Wallace at saka humarang sa daraanan ni Selena. Namilog naman ni Selena.

