"Lumayo ka nga sa akin!" malakas na sigaw ni Zeniah sa kaniyang asawang si Tristan. Nagulat naman si Tristan sa kaniyang pagsigaw kaya naman awtomatikong napaatras si Tristan sa matinding gulat. Bigla siyang natakot sa itsura ni Zeniah. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Na para bang galit na galit ito. "Bakit po mahal ko? Ano pong mali ang nagawa ko para magalit ka sa akin?" nahihintakutang tanong ni Tristan sa kaniyang asawa. Mariing napairap si Zeniah at pagkatapos muling tumingin ng masama kay Tristan. "Naiirita ako sa iyo! Alam mo ba iyon? Iritang- irita ako sa iyo! Ang pangit mo! Hindi ko gusto ang pagmumukha mo ngayon!" gigil na sambit ni Zeniah sa kaniyang asawang si Tristan. Napakamot naman ng ulo si Tristan. "Oh bakit ka naman po naiirita sa mukha ko? Ano bang

