Dalawang araw bago ang kasal nila Tristan at Zeniah, tila naging mataray si Zeniah sa kaniyang mapapangasawang si Tristan. Napansin naman iyon ni Tristan kaya naman nagtataka siya sa pagiging mataray nito. "Mahal ko...ano bang problema? Alam kong may problema ka. Kasi biglang ang taray mo sa akin. Noong isang araw ka pa ganiyan. Ano bang ginawa ko sa iyong mali? Sabihin mo sa akin para maitama ko..." malumanay na sabi ni Tristan sabay lapit kay Zeniah. Inirapan siya ni Zeniah. Naiisip pa rin kasi ni Zeniah na baka bigla siyang lokohin ni Tristan kung kailan kasal na sila. May napanuod kasi siyang isang celebrity kung saan wala pang isang taon silang kasal, biglang nagloko ang lalaki. At makalipas lang ang ilang buwan ay naghiwalay din kaagad ito. Hindi iyon mawala sa isipan ni Zeniah lal

