Yezenia Hipolito's P.O.V. Tamad kong binuksan ang mga mata ko at nakitang sinag na sinag na ang araw. Umupo ako at nag stretch ng mga kamay. Maganda naman ang naging tulog ko kahit na marami pa rin akong iniisip. Tumayo na ako at sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri ko. Dumiretso ako sa banyo at naghilamos ng mukha at nagsipilyo. Sinuklay ko na rin ng totoong suklay ang aking mahaba nang buhok. Nagtataka kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto ng marinig ko ang maingay na paggalaw sa ilalim. Kunot noo akong bumaba at nakita si Mama at Papa na busy na busy sa pagluluto. "Bakit ang dami niyo naman po yatang niluluto?" tanong ko habang papalapit sa kanila. Hinalikan ko silang dalawa sa mga pisngi nila. "Goog morning, Anak. Mag almusal ka na riyan," sagot ni Mama sa akin. Sag

