Yezenia Hipolito's P.O.V. "Ano?" tanong ko. Mukhang namali yata ako ng dinig. Napabaling siya ng mabilis sa akin. "Oh s**t," tinampa niya ang bibig niya ng ma-realize ang kanyang binitawan na salita kanina. Lumapit na ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Tama ba ang dinig ko?" seryoso kong tanong. Naglikot ang kanyang mga mata at napanguso. Pagkatapos ay nag ngiting aso sa akin. "Yezenia naman. Ang ibig kong sabihin hinahanapan kita ng maliligaw. 'Diba gusto mong maranasan na maligawan?" segway niya. "I don't know to you, Chae," asar kong sambit. "Buntis na ako at hindi ko na kailangan ng manliligaw sa akin," napapapiling kong sambit at nagtungo na sa may vanity. "Tch. Porket ba buntis ka bawal ka nang ligawan?" mataray niyang sambit. "Sa ganda mong 'yan, Couz. Hindi malayo na

