Yezenia Hipolito's P.O.V. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung tatalikod ba ako o maglalakad palapit sa kanya. In the end, I chose the first choice. Tumalikod ako at naglakad papunta sa kusina. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa aking likuran. Sinusundan ako. Tumigil ako sa may lababo at humawak doon. Anong ginagawa niya rito? Pumikit ako ng mariin at napakagat sa aking labi. Nang buksan ko ang mga mata ko ay bumaling ako sa kanya. Pero agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Kaunti na lang ay makakaumpugan na kami. Ibinaling ko sa side ang aking mukha. Hindi ko yata kayang makipagtitigan ng matagal sa mga mata niya. Nakakalula kasi. Nakakalunod. "Anong ginagawa mo rito?" lakas loob ko ng tanong. Pero sa side pa rin ako nakabaling

