(Alisson) Don't be afraid to start over. It's a chance to build something better. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ginawa ko ngayon. Hindi din madali sa akin ito pero ayaw ko nang maging selfish sa mga anak ko. Masyadong masalimuot ang nakaraan namin ni Ethan at hindi ko alam kung hanggang kailan tuluyan maghilom ang sugat na nilikha nya sa aking puso. At hanggang kailan na pabalik- balik sa aking isip ang mga nangyari noon. Kasi kahit pa sabihin pa na naka- move on na ako, may mga pagkakataon din naman na pabalik- balik yon sa aking isip. Gusto ko naman talaga na magsimula kami muli ni Ethan para kay Aria pero bilang magkaibigan na lamang. Pero ngayon, ibang usapan na. Muli ko na naman ipinagbubuntis ang magiging anak naming dalawa ni Ethan at kambal ang mga ito. Siguro sa pag

