(Alisson) "Alisson, tayo na. Guto----" natigil si Shiny sa iba nyang sasabihin nang nakita ang aking kalagayan. Halos habol ko ang aking paghinga at puno ng luha ang aking mga mata. Sinundan nya ng tingin kung saan ako nakatingin ngayon. "Mga walang hiya! Mga demonyo!"galit nyang sambit. Saka sya humarap sa akin. "Alisson, tumahan kana. Wag mo silang tignan. Umalis nalang tayo dito." Hinawakan nya ang aking kamay. Plano nya akong hilain palabas pero nagmatigas ako. Kaya binitawan nya ako. Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking palad. Lumanghap ako ng hangin at kinalma ang aking sarili. Saka ako humakbang palapit sa mga mga taong nanakit sa akin. Nasaktan ako. Nadurog ang puso ko. Yong huling piraso ng aking puso ay tuluyan nang nadurog. Pero kasabay ng sakit na nadarama ko ngayo

