(Alisson) I recently doing my morning routine when I was in California. I jogged every morning. This is my other way to relieve my stress. Takbo lang ako ng takbo, lumabas na nga ako sa malaking gate ng mansyon ni Ethan, at binaybay ko ang hindi malapad na daan. Tahimik ang buong lugar. Saktong- sakto dahil kailangan ko talaga ng katahimikan ngayon. Pawis na pawis narin ako. Ang daming pumapasok sa isip ko sa mga nakalipas na araw, idagdag pa ang mga pangungulit ni Aria sa akin tungkol sa kanyang ama. Hindi ko alam kung bakit gustong- gusto nyang makilala ang kanyang ama. Lumaki naman sya na hindi ko binanggit ni isang beses ang tungkol kay Ethan. Buong akala ko hindi na darating ang araw na mag- usisa pa sya tungkol dito. Tama nga siguro ang sinabi ni mamala. Malaki na ang anak ko, at n

