"Galit "

2015 Words
At parang tuksong nag balik sa kanyang alaala ang kapangahasang ginawa ni Marcus ng hapong iyon na pagsadyain siya sa bahay niya at abutang nakasuot lang ng short at t-shirt. Talagang guwapo nga ang unggoy at malakas ang s*x appeal . Ewan ba niya kung bakit para yatang nababagabag ang puso niya at isipan ng isang lalaki. At parang hindi niya mapigilan ang pag-usbong ng banyagang damdamin hindi niya kayang ipaliwanag ng mga sandaling iyon. Kaya lang ay nababastusan siya sa naging approach sa kanya ni Marcus Dela Cruz . Ganoon bang lahat ang mga lalaki , tanong niya sa isipin niya ? Wala kasi siyang naranasan kay Don Dominggo Chan kundi pawang paggalang kaya talagang nanibago siya sa ginawang kapangahasan ng pamangkin ng nasabing asawa . FRIDAY afternoon, bago siya umuwi ay nakatanggap ng tawag si Lovely buhat kay Marcus Dela Cruz. "kakausapin ka raw ," sabi ng kanyang sekretarya na itinuturing niyang isang kaibigan . "Sabihin mo na marami akonh ginagawa . Hindi 'kamo ako puwede abalahin." Sinunod ni lovely ang sinabi niya. "Ayaw pumayag! Nagagalit !" pabulong ni Angie . Napilitan siyang kausapin ang lalaki. "Hello," pormal niyang sabi . "Mrs.Chan ?" "Yes.Anything I can do for you, Mr.Dela Cruz ." "Akala ko ay ayaw mo raw akong kausapin ." "Sana . kaya lang ay mapilit ka." "Gusto ko lang sabihin sa iyo na makikipag- usap ako sa iyo bukas ng gabi. "What for?" "Are you expecting another reason kung bakit?" "Tungkol sa shares of stocks ni uncle Don Dominggo Chan." "Nothing else." "Hindi na natin kailangang mag usap pa. I have decided na ibenta na lang sa iyo ang mga iyon. "Are you kidding me ?" " I'm not . Gusto ko lang patahimikin mo ako,Mr.Dela Cruz." "Hindi naman kita ginugulo." "Ginugulo mo ako right now. Marami akong trabaho." "Kung gano'n, sa bahay na lang kita pupuntahan." "Balit pa ? "Ayaw mo na ba akong makita?" "You're may auntie. Baka nakakalimutan mo." "Hindi kita nakilala noong nabubuhay pa si uncle Don Dominggo Chan . Wala naman sigurong masama kung hindi na tayo magkakaroon pa ng komunikasyon after na maisalin ko na sa pangalan mo ang mga shares of stocks na ipinamana sa akin ng asawa ko." "Kaya nga dapat lang na magkausap tayo ng masinsinan. I'II visit your tomorrow evening . Nasa iyo na kung gusto mo akong ipaghanda ng hapunan o hindi." "Ang attorney ko na lang ang bahalang makipag usap sa iyo." "Basta darating ako." Magsasalita pa sana siya ngunit baibaba na ni Marcus ang telepono. Umaalon ang dibdib na ibinagsak niya ang awditibo. "O, mukhang pinausok yata ng kausap mo ang iyong bumbunan." Tugon ng kanyang sekretarya na si lovely . "Hindi lang pinausok. Pinakulo pa . Hindi kung malaman kung bakit ganito yata akong pestehin ng lalaking iyon." "He's a wise guy, in case na hindi mo alam ." "Papano mo nalaman?" "May kaibigan akong nagtratrabaho sa opisina nila . Kaya mag ingat ka rin, Dianna . Palagay ko ay ginagamitan ka niya ng kanyang karisma sa babae para makuha ka ." "Hindi niya ako maloloko!" reaksyon niya. Kaya ? surot ng kanyang konsensya. Hindi ba at nahalikan na siya ng lalaki ? Ni hindi siya nakapiyok nang mapangahas na angkinin ng lalaking iyon ang mga labi niya . Ni hindi nga niya nagawang sampalin. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay buung buong nasakop ng lalaking iyon ang pagkatao niya . Kinagabihan umuwi siyang hindi mapakali at hindi matulog . For the first time, sa gabing ito ay hindi alaala ni Don Dominggo Chan ang umaagaw saatensyon niya kundi ang alaala ni Marcus Dela Cruz . KINABUKASAN , iniisip niyang hindi umuwi kaagad . Ang gusto sana niya ay inisin si Marcus. Nagtuloy siya sa clinic at binalikan ang babaeng nanganak na na-confine ng matagal dahil nagkaroon ito bg infection at apektado rin ang baby niya . "Mabuti buti na ho ang lagay niya , ang babaeng buntis na ngayon ay kinakandili niya . Sinagot niya ang Hospital bills nito at pati na ang mga pagkaing kailangan nito. Nag stay siya ng matagal sa hospital. Nalibang sa panonood kay Baby Samuel na nasa nursery . Guwapo ang bata . Marahil may hitsura ang lalaking nakabuntis at nang iwan kay Joy , naisaloob niya. Hindi niya namalayan ang oras . Ganap na alas diyes na ng gabi nang naisipan niyang umuwi. Limot na limot niya ang tungkol sa usapan nila ni Marcus Ngunit nabalik sa kanya huwisyo iyon nang matanawan niya sa loob ng bakuran nila ang isang kotseng pamilyar sa kanya . So, narito ang lalaking nagpakulo ng dugo niya . Malakas na bumusina siya . Natatarantang lumabas si yaya Layda para buksan ang gate . Ibinaba niya ang bintanang salamin ng kotse. "Bakit mo pinapasok ang may ari ng kotseng yan?" "Eh , Senyorita , nagpilit o .Ayaw ko sana papasukin pero ang sabi ay may usapan daw kayo ." "Anong mga usapan? Trespassing ang lalaking 'yan Sige, magbalik ka sa loob at sabihin mong umalis na siya!" wala sa sariling utos niya . Natatarantang napasunod naman si Layda . Pero nang magbalik ay hindi na naman magkandatuto sa pagsasalita. "Ano? Pati kusina natin pinakialaman na ?" SUmisingasing na ang mga butas ang ilong niya . Pinaharurot niya papasok ang kotse at nagdadabog na bumaba Mabangong aroma ng pagkain na hindi niya matukoy kung ano ang sumasalubong sa pang amoy niya. Nabuglawan niya sa kitchen si Marcus . Nakaapron ang lalaki at kasalukuyang naghahalo sa kawali . "Dumating na pala ang hostess ng bahay . Pinakialaman ko na ang refrigerator mo dahil ginugutom na ako . My stomach can't wait . Kailangan ay lagi itong may laman dahil may ulcer ako at masama ang magutom." Nakangiti ang lalaki . Ngiting noon lang niya nakita sa mukha nito . Parang binuhusan ng malamig na tubig ang galit niya . Napalapit sa stove . Ang nakita niya sa kawali ay sumasagitsit ba butter kasama ang carrots, red pepper, carrots, baguio beans at ang fresh squidsna binili ni yaya Layda noong isang araw na hindi niya maisipan kung anong luto ang gagawin . Habang hinahalo ng lalaki ang malapit na malutong pusit at ang mga sangkap ay tinaktakan ito bg iyster sauce at kung anu ano pang spices hanngang sa lalong na enhance ang amoy nito. "Ano'ng luto 'yan?" Naging interesado siya sa nakita . "Sizzling squid . Wait till you taste may especialty . Isa ito sa mga paborito ko ," may pagmamalaking wika ni Marcus na ngayon ay kumuha na ng isang malapad na platter para ilagay doon ang iniluto . Wala siyang naging reaksyon kundi panoorin na lang ang lalaki sa ginagawa na ngayon ay abala naman sa paglalagay ng kanin sa bandehado . "Sir, ako na po," prisinta ni Layda at inagaw nito ang sandok at bandehado buhay kay Marcus . Palihim, gusto niyang hangaan ang lalaking sa una palang ay itinuring na niyang kaaway . May itinatago palang maganda katangian ang hudyo . Nakangiting dumulog siya sa mesa nang yayain ni Marcus . "Mukhang nasarapan nga ito niluto mo . Pero okay lang ba sa iyo ang isang putahe lang?" wika niya kay Marcus habang nagsasandok siya ng ulan sa kanyang plato. "Lumaki ako na ang nakasanayang ulam sa mesa ay isang klase lang pero marami." "Kay Benjamin kasi ay hindi pupuwede ang isang klaseng ulam lang ang nakahain sa mesa . Gusto niya ay dalaw o kaya ay tatlo." "So, nasanay ka na rin pala sa ganoong klaseng pamumuhay? kung sa bagay , hindi mahirap na maging mayaman ." Nawala ang ngiti niya sa labi . Ang tangkang pagsubo ay naudlot. "Mukhang may laman ang mga sinasabi mo?" utang niya . "Why ? May masama ba sa pagsasabi ng katotohanan?" "Depende.Kung ano ba ang purpose mo." "Don't spoil your dinner , Dianna . Kumain ka muna at saka kana magalit , in case na gusto mo ngang magalit ." "Ayoko na ! Nawalan na ako ng gana !" "Para kang bata. Mabuti at nagkakasundo kayo ng ugali ni Uncle?" malumanay na sabi ni Marcus habang walang pakialam na panay ang subo nito. "MAbait siya sa akin . Kailanman ay hindi ko siya binigyan ng problima." "Dapat lang na maging mabait siya sa iyo . Ikaw na ang magkaroon ng maganda at sariwang sariwang asawa," sarkastikong wika ng lalaki na ang pagkakangiti ay hindi niya matagalang makita . "Excuse me " At tumayo na siya . Nagsisikip ang dibdib na pumasok siya sa comfort room upang doon idaos ang pag iyak . So, talaga palang masama nag pagkaka kilala sa kanya ng mga kaanak ni Don Dominggo Chan. Kung nalalaman lang ng mga iyon ang tunay na dahilan ng pagpapakasal niya kay Don Dominggo Chan ! Matapos maidaos ang kanyang pag iyak ay saka lamang siya lumabas mula sa comfort room . Pormal na dumulog uli siya sa mesa, hindi niya tinitingnan si Marcus . "Umiyak ka yata ?" "Naalala ko kasi si Don Dominggo ," paliwanag niya. "Ayoko na talagang kumain." "Sayang . Hindi mo na appreciate ang niluto ko ." "Parang gusto ko bg magpahinga, Marcus."Hindi direktang pagtataboy niya sa lalaki. "Ayaw mo ba na pag usapan muna natin ang tungkol sa pagbebenta mo sa akin ng mga shares of stocks ni Uncle ?" "Ire-refer na lang kita kay Attorney. Villacruz." "Bakit parang ayaw na ayaw mong makipag usap sa akin ? Natatakot ka bang maulit muli?" "Ang alin?" Napahalakhak si Marcus . May lamang mga halakhak na ikinasimangot niya. "Pinagtatawanan mo ba ako?" "Of course, not . Natatawa lang ako sa reaksyon mo . Kung hindi ko lang alam na naging asawa ka nang uncle ko ay iisipin kong napaka inosente mong babae ." Natameme siya sa sinabi ni Marcus. May gusto siyang isagot sa mga tinuran nito ngunit nagbago siya ng isip . "Layda ! Ihatid mo na sa gate si Mr. Dela Cruz!" nakataas ang ulong utos niya sa kasama. Madalin ang mukha iniwanan niya si Marcus . IPINAASIKASO na niya kaagad kay attorney . Villacruz ang mga papeles na magsasalin sa pangalan ni Marcus Dela Cruz ng lahat ng shares of stocks na naiwanan ni Don Dominggo Chan sa pangalan niya ng sa gayon ay mawalan na ng dahilan ito para kausapin o makipagkita pa sa kanya . Ngunit nang magpipirmahan ba sila para sa Deed of Transfer ay kinailangang i-meet sila ni attorney sa mismong tahanan niya . Doon na rin sila nagkasundong magbayaran . "Bakit masyado yatang maliit ang halaga ng pagkakabenta mo sa shares ni Uncle ?" puna ni Marcus Dela Cruz habang binabasa ang mga papeles . "Valued at cost ang mga share of stocks , Mr Dela Cruz." "No. Dapat ay may tubo ka na . I-base mo sa present market value ang selling price ni Dianna , Attorney. Villacruz." "Thank you , pero ako ang humingi kay attorney na huwag nang patubuan ang mga shares of stocks . Anyway , malaking halaga na ang katumbas noon kahit na at cost ang naging basehan." "Well, bahala ka . Basta't huwag mo lang akong susumbatan pagdating ng araw ." "Araw akong dapat na isumbat pa kahit na kanino, Mr. DELA CRUZ . Mas marami akong dapat na ipagpasalamat sa buhay ko kung tutuusin ." "Okay , kung wala ng problima at nagkasundo na kayo , pirmahan na ninyong dalawa ang mga dokumentong ito upang mai - submit ko sa SEC ang mga necessary changes and reports," sabad ni Attorney. Walang pag - aatubiling pinirmahan niya ang mga papeles . Gayon din si Marcus . Nang makapirmahan ay kagyat na nagpaalam si attorney . "May isang mahalgang kliyente pa akong kausap . Please excuse me , pero mauuna na akong umalis sa iyo , Marcus." paalam nito sa harapang iyon. "Palagay ko ay paalis na rin si Mr. Dela Cruz , Attorney. Bakit hindi na lang kayo magsabay ," paramdam niya sa lalaki. Ngunit parang walang kabalak - balak ang hudyo na umalis . Nag dekuwartro pa ito sapagkakaupo. "Hindi ko pa planong umuwi , Dianna. Paunahin mo na si Attorney," wika nito .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD