Saan na kaya ako pupunta ngayon? Ang dilim dilim na sa labas upang mag lakad lakad pa ako. Mag 12am na. Kainis naman kasi bakit ako nagpahuli kay Eric. Kasalanan ng letchon tong nangyari sakin eh. Kung hindi ako natakam sa natirang letchon sana hindi ako nahuli na nag nakaw ng pulutan nila. Punta muna ako sa Bodega sa likod bahay doon muna ako palipas ng gabi. Bahala na kung may ahas na nakatira.
OH bakit andaming tambak na basura dito. Family pictures namin to ah, ito yong nasa kwarto ko. Kukunin kunga lahat ng pwede pa dito sayang naman kung susunugin lang nila. Bag ko rin to maganda pa. Yong mga damit ko kaya tinapon rin? Sabagay baka hindi na kasya sa akin mga yon dahil ang laki ng tinangkad ko at payat ngalang ako nasubraan yata sa pagdidiet ko sa kalsada. Minsan kasi walang limos, nakaranas rin akong kumain ng karton tuwing tag ulan dahil halos wala kasing tao sa daan. Pag subrang gutom na ako nagnanakaw narin ako ng tinapay buti nalang hindi ako nahuhuli. Kung nahuli ako sure sa kulungan ang bagsak ko tapos rerepin ako ng mga pulis doon, pero siguro pandidirihan lang ako ng mga pulis dahil sa itsura kung ito. Dito nalang din pala ako matutulog kasing amoy kulang naman yong mga gamit na tinapon dito.
Umaga na ay hindi pa gising si Faye ang sarap at ang himbing parin ng tulog niya, hindi niya iniinda ang init ng panahon. Samantalang si Eric ay nag iikot ikot na at tinignan niya yong ginawa nilang pool kahapon.
Anak ng tinapa! Bakit nasira itong pool na ginawa namin kahapon! Andaming nahulog na tiles tapos yong flooring lumubog rin yong iba.
Matrabaho tong ginawa nila ah. Sino kaya may gawa nito.?
Kumukulo ang dugo ni Eric sa nakita, iniisip niya na lalagyan na sana ng tubig ito ngayon pero kilangan nanamang erepair ang lahat ng may sira. Bukas na ang dating ng may ari ng bahay hindi maari toh! Kilangan mag trabaho kami ngayon din.
Gising gising tayo na kayo dyan may sunog may sunog.......! Sigaw ni Eric. Biglang nagsitayuan ang mga trabahador ni Eric. Bossing nasaan ang sunog nasaan! Sigaw rin ng mga tao niya.
Kailangan niyong magtrabaho ngayon dahil nasira ang pool na gawa niyo at kailangan nating mag overtime rin ngayon dahil bukas ng gabi nandito na ang may ari ng bahay. Naiintindihan niyo? Yes bossing. Alam kung iniisip niyo sige ako na bahala sa ot niyo bibigyan ko kayo ng bunos! Sige boss sabi mo eh.
Ang sakit pa ng ulo ko bossing. Iligo niyo lang yan mawawala na yan, hala sige kilos na. Walang magawa ang mga tao ni Eric kundi sumunod dito dahil nahihiya rin sila sa kabaitan nito sa kanila.
Yong dalawa pumunta sa pool ayusin niyo na yong sira doon at yong iba naman linisin yong ibang kalat at yong dalawang natitira sa inyo sumama sa akin at linisan sa likod. Mag damo kayo doon para bago pa dumating ang may ari subrang linis na ang buong paligid. Ako nalang mag susunog sa basura. Sige na galaw galaw na. Yes bossing.
Tulog parin si Faye yakap yakap niya yong family pictures nila.
Pahiram ng lighter niyo pare. Bossing ito saluhin mo. Sinidihan ni Eric ang basura.
Mmmm ang usok ang init anu ba! Ang bango naman ng nasusunog parang sinusunog na manok. Anu ba ang init. Biglang na patayo si Faye. Haaaaaa! Ang buhok ko ang buhok ko nasusunog aray ang init ang buhok ko...! Sigaw ni Faye!
Anak ng tinapa! Naghubad si Eric at ipinalo niya ng ipinalo sa ulo ni Faye.
Aray tama na tama na. Oh Ayan wala kanang buhok sa likod nasunog na! Sigaw ni Eric. At wala narin apoy pati kuto mo Na barbecue narin!
Anu ba kasi ginagawa mo dito! Diba pinaalis na kita kagabi pa! Eh kasi wala naman ako mapupuntahan at kung umalis ako sa kalagitnaan ng gabi baka marape pa ako. Huh! Asa ka marerape ka. Bulong ni Eric.
Tanghali na nandyan ka parin natutulog tapos naaamoy munang nasusunog yang buhok mo ayaw mo parin bumangon! Akala ko kasi manok lang yong naaamoy kung sinusunog. Saka anu ba yang yakap yakap mo? Wala po ito! Patingin? Ayaw ko po. Patingin sabi! Ayaw mo Ibigay?
Bakit ba ang sungit sungit muna sa akin dati naman lagi ka naaawa sa akin.! Ayuko kasi napapahamak ang trabaho ko! Mahal ko ang trabaho ko! Naiintindihan mo ba? Eh sorry na kung ganun. Pakita na ako niyan! Sigaw ni Eric. Ayaw kunga po! Lumapit si Eric at pilit na inagaw ang hawak nitong picture.
Faye.....! Si Faye itong nasa picture ah? Saan mo nakuha ito at bakit ayaw mo ipakita sa akin? Napulot kupo dyan sa basurahan tapos nagagandahan kasi ako sa kanya kaya kinuha ko. Diba sabi mo kagabi kilala mo ang may ari ng bahay na ito? Kung ganun sila ba ang may ari ng bahay na tinutukoy mo? Opo sila nga. Asan na sila? Balita ko namatay na si donya Marie at si Don Akiro nasa mental hospital po. Eh itong anak nilang si Faye nasaan na siya? Hindi kupo alam kung saan na siya ngayon kasi pinalayas na siya noon. Ganun ba. Kaya pala hindi na siya pumasok sa school, saan na kaya si miss amasunang lion na yon. Ahm kilala mo si Faye? Oo kaklase ko dati at badgirl yon.! Saka si Elena ang kaibigan niya nasaan na kaya siya? Kaibigan niya? Bakit may gusto kaba sa kaibigan niya? Hah wala nuh! Shismusa karin eh!
Hindi naman nagtatanong lang baka kasi kilala ko rin. Nasaan ang kaibigan niya? Ang alam ko pumunta ng Australia. Yon lang alam ko. Wow dami mo alam ah. Eh ikaw sino ka naman asan mga magulang mo? Tanong ni Eric. Ah eh wala na patay na bata palang ako kaya ako palaboy. Totoo ba yang sinasabi mo? Opo, kawawa ka naman pala. Sige ganito tulungan mo kami dito sasahuran kita, anu gusto mo ba iyon? Talaga po? Oo naman kawawa ka kasi eh. Anu muna name mo? Ako si si. Anu nga? Anu ng sasabihin ko! Anung name mo kako!? Anu itatawag ko sayo kung wala ka name? Ako si faith po. Faith talaga? Nice name huh! Opo thank you. Ako naman si Eric.
Faith yong letchon mo kinain muna ba? Hah yong letchon ko nandoon nasunog na! Kukunin ko sir Eric nasunog na yong letchon ko. Faith sunog na yon wag munang kunin pa. Mag kape ka muna tapos maligo ka bago ka magtrabaho. Sige po sir Eric pero sunog na ho pati damit ko. May mga nakuha kaming damit nandun sa sako mga damit ng may ari ng bahay hanap ka ng kasya sayo. Talaga po hindi niyo itinapon? Oo kunin muna lahat ng pwede sayo bago nila iuwi ng iba kung trabahador mga yon. Maraming salamat sir Eric. Ang bait niyo talaga. Saan ako pwede maligo? Pasok ka sa loob pero lilinisan mo yong pagliliguan mo kasi malinis na yon. Opo sir.