Pag dating ni Jr sa kanilang bahay ay nadatnan niya ang kanyang Ina na umiiyak dahil sa sakit a nararamdaman kaya dali dali siyang kumuha ng tubig at gamot para ipainum dito.
Sorry inay kung ngayon lang ako nakauwi.
Anak saan kaba galing at ngayon kalang umuwi anak? Ah nay gumawa pa kasi ako ng assignment sa library nag search pa kasi ako doon dahil wala naman akong cellphone at internet pang search kaya doon ko nalang ginawa sa school.
Kumusta naman ang unang araw ng school mo anak?
Ah eh emmmmh OK lang inay. OK na OK pag sisinungaling niya dito para hindi na mag alala pa ang kanyang Ina. Anak totoo bang Okey ka lang kasi mukhang matamlay ka anak.
Inay OK lang ako. Siguro napagod lang ako sa pag bike pauwi nay pero OK lang po ako kaya wag niyo nalang akung intindihin inay.
Inay wala paba si tatay? Ahmmmm siguro parating narin yon anak.
Wala kasi tayong bigas inay, magsasaing na sana ako. Hintayin mo nalang anak parating narin yon.
Mga ilang sandali pa ay.....
Tok! Tok! Tok!
Anak pabukas ng pinto si tatay mo ito.
Opo itay nandyan na po.
Anak ikaw na munang mag luluto ito ha. Kasi gusto ko munang magpahinga saglit.
Dumeretso na si mang dado sa kinaruruunan ng kanyang asawa. Baket kumusta kana? Ito OK na ako lakay. Ikaw kumusta ka? Naubos ba Yong paninda mo? Baket may tinira akung kunting isda ulam natin saka bumili ako ng bigas at gamot mo Baket.
Thank you lakay. Pasensya kana hindi kita nasasamahan sa pag titinda. OK lang Baket basta mag pagaling ka. Wag muna isipin pa yong pag kain at ang gamot mo kasi sisikapin kung magawan ng paraan ang lahat ng iyan.
Si mang Dado at aling Rosing ang magulang ni Jr. Tatlo Sana silang magkakapatid pero namatay ang bunso nilang kapatid dahil sa polmonya. Hindi agad naitakbo sa hospital dahil sa kagipitan ng pera.
AT ang kambal ni Jr na si Jero ay pinaampon dahil kumplikasyon na ang kanyang sakit sanggol palamang sila, dahil sa kilangan ng operasyon sa Ibang bansa ay mas minabuti nilang ipamigay ang batang kambal na si Jero dahil kung hindi nila gagawin iyon ay maaaring mamatay ang bata dahil may butas ang kanyang puso. Walang kaalam alam si Jr na may kambal siya dahil hindi pinaalam ng kanyang ina na may kakambal pala ito. Dinala sa amireca si Jero para doon ipagamot. Ang umampon sa kanyang kambal ay isang half America at half Pinoy na mag asawa. Hindi magkaanak ang babae kaya pinag usapan nilang mag ampon nalang ng bata para ituring na tunay nilang anak.
Inay itay tapos na po akung nag luto tara po kain na po tayo.
Sige anak susunod na Kami ng iyong tatay anak.
Samantala pag kauwi ni Faye sa kanilang bahay ay...
Anak Faye bakit ngayon kalang magdidilim na oh? Saka anak anung nangyari sayo at ang dungis dungis ng damit mo?
Nakipag away kaba? Sunod sunod na tanong ng mommy ni Faye na si donya Marie.
Mommy kasi natapon yong Mami na binili ko kanina sa canteen may bumangga kasi sakin. Oh Sha! Maligo kana muna para mapriskuhan ka. Opo mommy.
OH Hon ang aga mo ngayon ah. Sabi ni donya Marie sa asawa na si Don Akiro isang half japanese at half Pinoy.
Oo Hon marami kasing problema sa Companya kaya gusto ko munang magpahinga para lumiwanag ang aking isipan. Mukha ka ngang stress, Hon gusto muna bang kumain?
Nope Hon ang gusto ko magpahinga lang muna.
OH sige doon nalang tayo sa kwarto imamasahi ko nalang ang ulo mo para maginhawaan ka kahit kunti. Mabuti panga hon.
Pagkatapos niyang imasahi ang asawa ay nakatulog na ito kaya bumaba na siya para kumain dahil 7pm na ng gabi at oras na ng kainan.
Manang Ceiling pahanda po ng dinner at kakain na po tayo.
Ma'am nakahanda na po ang hapunan.
OK patawag na si Faye sa taas at kakain na tayo. Saka wag muna tatawagin si Akiro dahil tulog na siya. Opo ma'am.
Pag akyat niya sa taas.
Faye Tok! Tok! Tok! Faye?
Manang bakit ho? Natutulog na po ako!
Ehs! Isturbo naman oh!
Tawag ka na ng mommy mo kakain kana raw sa baba.
Manang Sabihin mo Kay mommy busog pa ako at Sabihin mo natutulog na ako kaya wag niyo na ako Isturbuhin pa. Padabog niyang Sabi.
Sige Faye.
Ma'am ayaw na ho bumama ni Faye busog paraw po siya at matutulog na daw po siya.
Sige manang saluhan muna lang akong kumain para may kasabay ako. Sige po ma'am.
Kinabukasan ay maagang pumasok si Faye sa school dahil excited siyang makita ang mga bago niyang kaibigan.
Habang si Jr ay mabilis na nagpapatakbo sa kanyang bike dahil malayo pa ang kanyang bibiyahiin dahil lumang bike lang ang gamit neto ng biglang may dumaan na sasakyan na ang bilis bilis kung mag patakbo. Kaya tumilapon ang tubig sa kalsada sa kanyang buong katawan.
Hoooooooooy! Madisgrasya ka Sana! Wala kang mudo! Alam mong matubig sa daan ang bilis bilis mong mag patakbo! Sigaw ni Jr sa mabilis na dumaan na sasakyan.
Kaso kahit magsisigaw pa ito ay hindi siya maririnig dahil mabilis na nakalayo ang kutsing dumaan.
Haaayt! Ang malas ko naman oh umagang Umaga may nakakabwesit na dumaan akala mo kung siya ang nag mamay ari ng kalsadang ito.
Parang bulag lang kung magmaniho. Possible naman na hindi niya ako nakita e ang laki laki kung tao pero payat Lang ako.
Pag dating ni Jr sa school ay pinag titinginan siya ng mga studyante dahil Para siyang basang sisiw sa kanyang kalagayan kaya binilisan niyang nag lakad patungo sa tahimik na tambayan Nila ng kanyang kaibigan.
Pag dating niya dito ay agad niyang tinanggal ang kanyang polo at winasiwas para mabawasan ang tubig na napunta dito saka niya sinampay sa may puno.
Habang nakaupo si Jr ay nag isip siya ng isang kanta na kakantahin habang hinihintay ang kanyang kaibigan.
Naisip niya Yong palabas sa TV na may pamagat na Panday. Na ang bida ay si Jericho Rosales.
Chorus.:
Ipaglalaban ko ang aking pag ibig
Mag hintay ka lamang akoy darating
Pagkat sa isang tao'y mahal mo ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli.....
Makita kang muli.....
Klap....! Klap.....! Klap......!
Napatigil si Jr sa pag kanta ng may bigla siyang narinig na nag Klap Klap Klap sa kanya.
Wow naman pare ang ganda talaga ng boses mo. Sige nga kanta kapa. Sambit ni Eric.
Pare hindi naman masyado... Pinapalaki mo naman ang aking puso sa mga sinasabi mo hehe.
Oo nga Pala pare bakit kanga pala nakahubad?
May bastos kasi na dumaan sa kalsada habang nagbibike ako pare. Tumalsik yong tubig sakin kaya heto para akong basang sisiw kanina. Yon yong damit ko binibilad ko saglit para mabawasan yong basa niya.
Nakita mo ba kung kaninong sasakyan yong dumaan pare?
Biglang napaisip si Jr ng maalala ang sasakyan ni maldita kahapon.
Oo pare parang parihas sa sasakyan ni maldita. Hindi kaya sasakyan niya yon?
Basta ba natatandaan mo ung plate number niya makikita mo mamaya pag uwian na pare kung siya ang may gawa niyan sayo pare.
Tara na pare malapit na ang klase natin.