Pare may gitara kaba? Tanong ni Jr sa kaibigan. Pare wala nga eh kasi poor lang kami kaya hindi ako binibilhan ng gitara. Nakakagamit lang ako ng gitara pag namamasyal kami sa ka mag-anak namin, tapos tinuturuan ako ni tatay mag gitara. Ede ibig sabihin niyan magaling kana rin mag gitara? Medyo lang pre, atleast alam muna mag gitara. Oh ganito nalang pare hiramin ko nalang yong gitara ng kuya ko kasi mahilig yon sa music. Iwan ko kung saan nagmana yon eh wala naman magaling kumanta sa amin. Sige pare bukas ha wag mo kakalimutan para may magamit ako. Saka pare paki agahan mo narin pumasok para makapag practice pa ako. Sige kahit daanan mo nalang ako bukas pare para sigurado na may madadala akong gitara. Sige ba pre, aasahan kung may mahihiram ka ha? Oo naman pare! Ikaw kaya ang BFF ko. Salamat pare. Welcome pre.
Pare sa tingin mo ba may premyo pag nanalo ako sa contest sa susunod na bwan? Sa tingin ko meron pare. Bakit mo naman naitanong? Kasi kung may premyo dapat kung galingan para mapili ako sa lalaban doon sa contest pare. Bakit anu ba gagawin mo sa pera pare? Naaawa kasi ako sa nanay ko pare minsan wala kami ibili ng gamot niya. Mangiyak ngiyak niyang sabi.
Kawawa naman pala ang nanay mo pare. Kami kahit mahirap kami lagi ko pinagdadasal na wag dadapuan ng sakit ang aking pamilya. Pare gusto mo ba talagang magkapera? Oo naman pare nuh! Gipit na gipit kami ngayon. Pare taya ka ng lotto para pag nanalo ka maipapagamot muna ang nanay mo, pare 899 milyon na pare ang jackpot na mapapanalunan ngayon sa 6/58 kaya tumaya ka malay mo swertihan ka. Pare naman eh saan naman ako kukuha ng itataya ko doon pare eh alam mo naman na kulang pa kinikita ni tatay ko kaya nga minsan walang gamot si nanay eh. Sorry pare ha hindi rin kasi ako mayaman. OK lang pare naiintindihan ko naman eh. Saka parihas lang tayong mga bata pa. Basta pare sisikapin kung makatapos nalang sa pag aaral para gumanda ang buhay ko. Pati rin ako pare kaya walang limutan ha hanggang pagtanda natin. Oo naman pare.
Ikaw lang kaya ang nag iisa kung kaibigan.
Beshy narinig muna bang kumanta si payatot? Tanong ni Faye
Hindi pa naman. Bakit mo natanong?
Kasi iniisip ko paano kung mapili siya at ako ede masisira lang lagi ang araw ko. Kung magaling siyang kumanta ede sana kumanta na siya noong nagbigay si teacher ng points diba?
Sa tingin ko hindi siya magaling kumanta.
Eh Malay mo beshy may tinatagong talento yong taong yon at kunwari nahihiya pa. Bahala na beshy basta gagalingan ko bukas at hindi ako magpapatalo kahit kanino pa sa kanila. Yan ang beshy ko eh palaban kaya idol kita. Haha oo naman ayuko ngang makulilat nuh! Ohz talaga beshy ayaw mo makulilat? Oo naman nuh!
Eh bakit ka kulilat kahapon sa quiz natin sa math? Hindi ako kulilat nuh Naka 5 kaya ako. Saka hindi lang gumana yong galing ko sa math dahil galit ako sa mga oras na yon nuh! Hmmmmmmt! Saan ka naman galit aber? Eh kanino pa ede sa boyfriend mong pandak! Hahaha boyfriend? Hindi ko yon boyfriend nuh! Baka ikaw boyfriend mo si payatot hehehe.
Pak......! Aray naman bat mo naman ako pinalo beshy! Eh inaasar mo ako eh, beshy naman hindi ka mabiro eh joke ko lang yon kasi alam ko naman ang tipo mo nuh, Yong mala Jerald Anderson na gwapo na yummy pa! Hahaha sira ka! Anung yummy na pinagsasabi mo dyan aber! Yummy matcho ganun kasi may anim na pandesal sa tyan hahaha. Anu kaba ang bata bata pa natin anu anu pinagsasabi mo dyan. Eh kahit alam kung gustong gusto mo naman siya eh kinikilig kanga eh. Hahaha oo na! Crush ko nga siya so anu naman ngayon crush lang naman eh. Beshy anu pala kakantahin mo bukas? Siguro IKAW LANG MAMAHALIN . Eh ang taas nun ah kaya mo kaya? Oo naman beshy wala kaba tiwala sa boses ko at sa talent ko? Meron naman pero masyado kasi yon mataas beshy. Parinig naman ako beshy. OK samahan mo akong mag practice doon sa may kanto kasi may videooke doon. Sige ba. Tara na.
Kinabukasan ay maagang sinundo ni Jr ang kaibigan para makapag practice muna siya sa paggigitara at pag kanta.
Pare parang kinakabahan ako. Pare kaya mo yan isipin mo lang ang nanay mo at lahat ng kaba mo ay matatanggal. Pre anu ba title ng kakantahin mo? Ahmmm PINAMAGATANG DOON LANG. Oh kayang kaya mo yan pare ikaw pa. Sige practisin mupa pare last na para makapasok narin tayo sa loob. Sige pare.
Habang kumakanta si Jr ay...
Maraming students ang nagtatanong kung nasaan ang naririnig nilang boses na kumakanta kaya nagsitakbuhan ang lahat ng mga mag aaral para hanapin kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Sis hayon yong lalaking may hawak na gitara ang kumakanta. Ang ganda ng tinig niya no, sambit ng mga studyante na nakarinig ng kanyang boses.
Beshy bakit kaya nagsisitakbuhan ang mga tao dito? Iwan ko beshy baka may nadisgraya kaya?
Tara beshy tignan natin. Sakto naman na natapos nang kumanta si Jr. Kaya hindi na nila narinig ang tinig na pinagkakaguluhan ng mga tao dito.
Tara nanga beshy para tayong mga shismosa neto sa ginagawa natin. Akala naman nila may artistang pinagkakaguluhan. Malay ba natin kung may artista nga doon at panay pa hiyaw ng iba na akala mo kinakatay na baboy kung makahiyaw.
Dapat nga sana ako yong hinihiyawan pag dumarating ako kasi malaartistahin ang tindig ko isama mo narin ang boses ko. Eh pano naman sila maghihiyawan eh kilalang kilala kang maldita dito sa school na ito. Kaya halos lahat ng tao na makakasalubong mo takot sa iyo kaya wag mo sisihin ang mga tao dito beshy.
Mas gusto ko yong natatakot sila sa akin para hindi nila ako aapiin beshy. Hindi ako katulad mo na laging inaapi pag wala ako. Kaya nga beshy ikaw ang nag iisang tagapagtanggol ko. Pero Naaawa naman ako pag may sinasaktan ka.