" FORBIDDEN FOREVER " " ANNULMENT " LYCA'S POV MABILIS ang ginawa kong pagtayo nang makita ko si yuan na papasok sa loob ng bahay. Galit akong lumapit dito nang makita niya ako ay nakita ko ang buntong hininga nito. "SAN KA BA GALING? BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI." Bulyaw ko sa kanya. Napapikit siya at minasahe ang kanyang noo. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay galit din itong sinalubong ang tingin ko. " Pwede ba... Mamaya mo na ako sigawan, pagod ako at gusto kong mag pahinga." Mariing saad niya at nilagpasan ako. Marahas kong hinawakan ang kanyang braso para maiharap siya sa'kin. " Nambababae kana naman ba? May kinakabaliwan kana naman bang iba ha? Yuan." Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Iniwaksi nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya kaya napa bitaw ako. "Sto

