CHAPTER TWO

1284 Words
FORBIDDEN FOREVER " "NINE YEARS AGO.." RALEAM'S POV "Saan ka ba pupunta? " tanong ni Hazey sa akin ng makita niya akong may dala-dalang kutsilyo. "Kukuha ako ng mangga, sama ka? " Yaya ko sa kanya. Agad naman siyang tumango at sinabi sa akin daanan si Jane, para makapag bonding din kami. Bago siya umalis papuntang Cagayan dahil doon na sila titira ng pamilya niya. Nakakalungkot dahil dalawa nalang ulit kami ni Hazey na maiiwan, Mukha niya ulit ang palagi kong makikita. Nakakasawa na. "Bakit ganyan ang mukha mo parang naiinis ka o nababagot? " tanong niya. Walang hiya, May subtitle talaga itong mukha ko. "Wala iniisip ko lang na tayo nalang dalawang maiiwan na Mukha mo nalang ang lagi kong makikita. Nakaka asar kaya. " saad ko. Mabilis niyang hinubad ang tsinelas niya at ibinato iyon sa akin, Hindi naman ako tinamaan kasi nakailag ako. Tinawanan ko lang siya habang nag hahanulan kami papunta sa bahay nila Jane. "Oh anong atin? " tanong ni aling Rosa, nanay ni Jane. "Ah yayayain sana namin si Jane para kumuha ng mangga dyan lang sa malapit, bonding na din ho. " Magalang ma sagot ni Hazey. Ang bait-bait talaga sa iba, pagdating sa'kin daig pa si hudas eh. "Teka lang at tatawagin ko muna, pasok kayo. " anyaya niya sa'min at ngumiti lang din kami sa kanya sabay pasok sa bahay nila. "Alam mo Ikaw, plastic ka talaga. " saad ko at inirapan niya lang ako. Kitams? Sobrang sama ng ugali. Tanggalin ko kaya mata nito at ilipat sa likod ng ulo niya?. Maya-maya pa ay narinig namin ang mga yapak at papalapit iyon sa amin, Tumambad sa harapan namin si Jane na kakagising lang, magulo pa ang mga buhok nito at nakapikit pa ang isang mata. "Ang aga-aga niyo naman ata? " aniya sabay kusot ng mga mata niya. "Anong maaga? hoii Alas dyes na nang umaga, nag puyat kana naman siguro ano?!" si Hazey. "Napasarap lang ang tulog, Teka anong ginagawa niyo dito?" mahinang tanong niya. Itinaas ko ang dala-dala kong ko kutsilyo... "kukuha tayong mangga, tsaka ayaw mo ba kami Maka bonding bago kayo umalis?" nakangusong saad ko. "Ganun ba? Sandali lang magbi-bihis lang ako, maligo na din tayo sa ilog mamaya ha?" excited niyang saad. Tinanguan ko lang siya at agad naman siyang kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto niya at nag bihis. "Parang ogag lang din eh." saad ni hazey habang nakatingin sa papalayong si Jane. "Alam niyo mamimiss ko kayong dalawa." umiiyak na saad ni jane habang ngumunguya ng mangga. "Kahit ako din naman, Wala na akong kasamang kukuha ng mangga. Ikaw pa naman ang pinaka magaling na umakyat sa ating tatlo." saad ko at tumawa naman siya. "Kailan mo ulit kami bibisitahin?" Hazey ask Jane. Kumuha muna siya ng Isang pirasa at isinawsaw iyon sa sawsawan bago muling isubo sa bibig niya. "Sa susunod na bakasyon. Gala tayo ulit ha?" aniya at sinang ayunan namin pareho iyon ni Hazey. Alam kong pinag babawalan ako ng mga husto ng mga magulang ko, kaya sa t'wing may tyansang gumala ay sinusulit ko iyon, alam ko din na darating panahon na hindi ko na kailangang hayaan sila palaging pag bawalan ako. "Pero baka kalimutan mo na kami, Hindi kana mamamansin at hindi kana mangangamusta sa amin." si Hazey. "OA din talaga ang isang to, kaya minsan ang sarap bigwasan." "Ang OA mo talaga, huwag ka nga mag isip ng ganyan, friends tayo forever. Mag-aaway pero hindi maghihiwalay." ani Jane. Natawa ako sa sinabi niya. "Ano yan mag jowa lang?" Natatawang saad ko. 'Dahil nasabi mo ang tungkol sa jowa, why don't we have our rules?" Si Hazey.. "Daming pauso bes, San mo na naman narinig yan?" pang aasar ko. umirap na naman. "Kailangan natin ng rules.. Walang mag bo-boyfriend hangga't hindi pa tayo 18 years old." aniya sabay pinag krus ang magka bilang braso. "Sige ba, alam mong kayang kaya kong panindigan ang rules na yan, baka kayong dalawa hindi?" hamon ko sa dalawa. Tinaasan lang nila ako ng kilay. "Are you challenging me?" si Jane.. "Wow.. Speaking dollars ha? I like that." usal ko. "Ano naman ang punishment kapag may lumabag sa rules?" tanong ko. "Bigyan tayo ng tig f-five thousand. Halimbawa kapag ako lumabag sa rules, bibigyan ko kayo five thousand each. At Siya ang mag babayad sa kakainin natin sa t'wing gagala tayo ng magkasama " aniya. "Aba gusto ko yan." agad kong komento. "Kapag talaga may perang involved, daig pa si flash." si hazel. "Ibang usapan na kasi pag may Pera, alam mo naman kailangang-kailangan din yan." dipensa ko. "DEAL!" sigaw ni Jane. At yun na nga, nag agree kaming tatlo at wala na iyong bawian. Pagkatapos naming kumain ng mangga ay agad kaming naligo sa ilog. Tawanan at asaran lang ang baon na meron kami habang mag kasama, malungkot kasi malalayo si Jane sa aming dalawa ni hazey, Pero kahit ganon magkikita at magkikita pa rin naman kami kapag bakasyon. Alas singko na ng hapon ng nang makapag desisyon kaming umuwi na, baka abutan pa kami ng gabi sa daan, magubat pa naman. Una naming hinati si Jane sa bahay nila, dahil magkatapat lang ang naman ang bahay naming dalawa ni hazey. Agad kaming nag paalam na uuwi na rin dahil nahatid na namin siya. Nag offer pa ang papa niya na ihatid din kami, pero tinanggihan namin dahil may byahe sila bukas at kailangan nilang mag pahinga. Sa t'wing maiisip ko na uuwi na naman sa bahay ay napa pangiwi ako, Kong pwede lang na huwag ng umuwi doon ay hindi na talaga ako uuwi. Papagalitan na naman ako kahit na mababaw lang ang dahilan. "Hi. Ate San ka galing?" tanong ng kapatid kong si eman ng makita niya akong papasok sa bahay. Ginulo ko lang ang buhok niya at kinurot ang kaniyang pisnge... "Kina ate Jane mo lang, kumain kami ng mangga." saad ko sabay ipinakita sa kaniya ang cellophane na dala-dala ko. "Sina Mama at Papa nakabalik na b-- "Saan kana naman galing raleam? " Singhal sa akin ni Kuya Rolly. Singhal talaga isinalubong sa akin eh, Hindi man lang ba muna babatiin? "Kina Jane lang kuya," mahinang sagot ko. "Sinabihan kana na wag na wag gumala dahil marami Kang gagawin, pero hindi ka nakinig!" sigaw ulit nito kaya nabitawan ko ang hawak manggang hawak-hawak ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa ng wala sa oras sa bahay na ito. Hindi marunong mag salita ng tahimik, lagi nalang sigawan. 'Ngayon lang naman ako lumabas kuy-- "SUMASAGOT KANA HA? YAN BA ANG NATUTUNAN MO SA PAG SAMA DYAN SA MGA KAIBIGAN MO?!" sermon niya. Kong hindi ako sumasagot, sasabihin nilang pipi ako at kapag sumagot ako sasabihin ding wala akong respeto.. Saan ba ako dapat lumugar? "Rolly relax, hayaan mo muna iyang Kapatid mong makapag bihis." Sabat ni Tito Rey. Siya lang talaga ang kakampi ko sa bahay na ito, dahil maliban sa kaniya lahat ng tao dito ay ayaw ako at lagi pinag-iinitan. "Kaya matigas ang ulo kasi lagi mong kinakampihan Tito!" si kuya. "She's just a little girl rolly, she wants to play and enjoy her childhood, para ka namang hindi dumaan sa pagka bata." saad nito sa kapatid ko, bago itinuon sa akin ang kaniyang mga tingin. "Pumunta kana sa kwarto mo, Mag bihis kana at para makakain kana okay?" malambing nitong saad. "Salamat tito." sagot ko at agad na pumasok sa kwarto. Agad akong naligo at nag bihis, Hindi na ako lumabas ulit baka sermunan na naman ako. Humiga lang ako sa aking kama at hinintay na dalawin ng antok. Ganito talaga palagi kapag nasa bahay lang ako. Hindi ko maramdaman na parte ako ng pamilya. TO BE CONTINUE....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD