Nagtinginan kami ng mata sa mata ni Patrick. Di siya nagsasalita. Gulat ang nakikita ko sa kanya. Wala kaming imik parehas ni Darryl. Mamaya, nagsimula na siyang lumapit sa amin. “Anong ginagawa mo diyan kay JV? Ha?” sabi ni Patrick, tapos bigla niyang tinulak si Darryl. Nagulat ako, tapos bigla kong pinigilan si Patrick. Si Darryl naman, wala pa ring imik pero nagulat din siya. “Patrick, calm down” sabi ko sa kanya. Hawak ka yung dalawang kamay niya. Nagpupumiglas nga siya eh. “Eh binabakla ka nitong lalaking ‘to eh” sabi niya. Nagagalit talaga siya. Grabe, ang lakas nyang magpumiglas. Minumura na nga niya si Darryl eh, pero si Darryl ay tahimik lang. “Patrick! Patrick, please, let’s talk. Calm down okay? Calm down…easy…usap tayo. Sige na…” sabi ko, pinapakalma ko talaga si Patrick. A

