Oh no. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko. Ang bilis pading kumabog ni heart! Ano ba yan? Hindi tuloy ako makapag isip ng sasabihin ko sa kanya. Naka 3 vibrate na ang cellphone ko. Nag reply na siguro sina Chacha at Patrick, pero ako, naka tingin parin ako sa message niya. Ano bang isasagot ko duon? Hindi ko naman siya iniiwasan…it’s just that…that…hay, bahala na! “Hindi ah. Marami lang ka-text. Sorry.” yun na sinabi ko. Sent. Medyo nakahinga din ako ng maluwag. Tapos ayun, nagreply na ako kina Charlene at Patrick. Tapos maya-maya, nagtext ulit sya. “Ah…akala ko galit ka eh” sabi nya. “Hindi ah. Sige matutulog na ako…goodnight” sabi ko naman. Pero di pa talaga ako matutulog. Hello, 7:00 pm pa lang?! “Ha? Master? Ang aga…7 pm palang ah?” sabi naman nya. Hindi na ako nagreply! Basta

