Naiwan akong nakatayo duon at pinanuod ko lang si Darryl na lumakad papalayo. Feeling ko matutumba ako. Ano ba yan, I just missed an important day for Darryl. Anong gagawin ko? Hahabulin ko ba siya at mag so-sorry nalang? Hindi rin, kahit anong sorry ko, hindi ko na maibabalik ang araw na yun. Ano kaya? Ay, wala na muna akong panahong mag-isip. May klase pa ako. Buong period ay tila wala ako sa sarili ko. Madalas akong tulala at may iniisip. Hindi ako masyadong nag rerecite. Nag quiz kami sa History. 8 out of 10 lang nakuha ko. Hindi pwede iyon, pero parang wala akong paki-alam. Ano ba? Kailangan kong makausap si Darryl. Gusto kong mag-sorry. Feeling ko kasi yun na ang pinaka mabigat na kasalanan na nagawa ko sa kaibigan ko. Imagine, nag celebrate sya ng birthday, tapos di ko man lang nar

