= Johan Victor's POV = Saan naman ako dadalhin ni Darryl? At gusto pa nya, kaming dalawa lang? Parang ang awkward naman ata ng feeling nun. Nanahimik lang ako sa kotse, nakatingin sa daan, nag-iisip. Si Darryl din, tahimik lang na nagda-drive. Hindi mahilig magpatug-tog si Darryl ng kanta sa kotse nya, kaya bukod sa ingay ng sasakyan sa labas, wala ng ibang maririnig sa loob. Kung nasa loob ka siguro ng kotse, feeling mo mag isa ka lang kasi hindi talaga kami nagsasalita. Maya-maya ay huminto na pala ang kotse. Narinig ko na inangat ni Darryl yung break, at nakita ko na sa isang park kami tumigil. Walang masyadong tao, pero ang daming ilaw nung park. “Anong lugar ‘to?” tanong ko sa kanya. “St. Louis park. Madalas kami dito ng pamilya ko dati” sabi nya, saka bumaba ng sasakyan. Nagulat

