Chapter 13 O'Clock - Tama Ba Ang Dinig Ko?

1477 Words

= Johan Victor's POV = Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para humiga muli. Kailangan kong magpahinga para makapasok ako sa school bukas. Naisip ko ulit yung ginawa ni Darryl kanina. Nahihiya ako sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya. “darryl, thank you ha” Sent. Nilagay ko yung cellphone ko duon sa tabi ng unan ko. Tapos nag reply. Si Darryl nga. “” Yun lang. Tapos, maya-maya, pumasok sa kwarto ko si daddy. Kinamusta nya ako. “JV, kamusta?” sabi ni dad. Nasa may pinto siya, naka tayo. Bumangon ako sa kama ko. “Ayos lang po. I’m fine na” sabi ko. “Naku, ayos ka talaga. Ang bilis mong gumaling!” tapos, natawa si daddy. “Nagtext si Ate Therese mo. Nag-aalala sayo. Muntik nang lumipad mula sa dorm nya” sabi nya ulit. Tumawa na naman ako. Thanks, Dad. “Wag ka k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD