Chapter 12 : Be my girlfriend

2043 Words
Zharriah Euridyce pov* Hindi ako pumasok dahil yun ang utos sa akin ni Drake. Nandito ako ngayon sa Condo unit niya hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil may agreement kaming dalawa. His in the kitchen right now. Tumayo naman ako sa pagkaka-Upo sa sofa para sundan ito sa kusina at doon ko naabutan si drake na nag hahanda ng makakain base sa paper bag . Napa isip tuloy ako kong magaling din kaya siyang mag luto ? " I don't have time to cook " Saan nito siguro ay naramdaman nito ang presinsya ko. So he know's how to cook huh ! I looked at the wall clocked and it's already 1:00 in the afternoon. " We shouldn't go to school tomorrow " Susubo pa lang sana ako nang sinabi niya iyon. Napatigil ako at napatingin sakanya na seryuso lang na kumakain " Huh? bakit naman ? " Tumigil siya sa pag nguya at tamad na tumingin sa akin. " Because of the incident " Hindi na lang ako nag salita alam ko naman na hindi ito mag papatalo at sasabihin lang ulit ang tungkol sa agreement . " Pero hindi na tayo pumasok ngayon . Pano ako makaka habol sa mga ginawa nilang activities ? Hindi na ako magiging top1 nito " May halong lungkot na turan ko " I owned that f*cking school ! " May bahid na inas nitong sabi Akmang mag sasalita pa sana ako pero nakita kong kumukunot na ang nuo ni drake , Bumibigat na rin ang pag hinga nito sensyalis na nagtitimpi siya upang hindi mapa sigaw sa argumento namin. Napakagat na lamang ako sa aking pang ibabang labi at hindi na tumutol pa. Pagkatapos naming kumain ay inayos ko na ang pinagkainan namin tsaka ko itinapon iyon sa basurahan. Pumasok na agad si Drake sakanyang kwarto habang ako ay bagsak balikat na umupo sa sofa. Wala namang kaso sa akin kong dito ako sa sofa matutulog dahil malambot naman ito't oara na din akong natutulog sa isang kama. Lumabas si drake sa kwarto nito may hawak siyang unan at kumot , "Thankyou " Saad ko dito nang makita kong ibinaba niya ito sa dulo ng sofa . Akmang hihiga na sana ako para matulog nang bigla ako nito hinila pa tayo at siya ang humiga sa sofa nanlaki ang mata ko . " Sleep in my room " Saad nito tsaka pinikit ang mga mata " Drake ako na dyan. Ayos na ako dito tsaka isa pa nong bata nga ako sa papag lang ako natutulog eh " Lumapit ako sakanya ngunit nanatili lang itong walang imik " Drake " Saad ko rito " Don't disturb me , I want to sleep " Napakamot na lang ako sa aking batok. Ano ba ito ! Ayukong matulog siya dito sa sofa dahil sakanya naman itong condong kinatatapakam ko ngayon . Nakakahiya at don pa siya natulog , Kahit naman gusto kong pilitin ito na matulog sa kwarto ay hindi na lang ako umimik dahil baka magalit lang ito sa akin. At ayaw kong makita ang kilay nitong nagsasalubong. Nakakatakot , Napabuntong hininga na lang ako bago pumasok sa kanyang kwarto at doon natulog. Mas maayos na ang mahiya kesa matakot. Kinabukasan alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na ako. Namamahay pa lang kasi ako rito pero nakatulog din naman ako ng maayos Bumagon na ako ' t nag hilamos . Lumabas ako sa kwarto nito para mag tungo sa kusina paglabas ko ay siya agad ang nabungaran ko. Napansin kong nilalamig ito kaya bumalik ako sa kwarto at kinuha yung kumot at dahan dahan itong nilatang sa kanyang katawan. Kinuha ko ang pagkakataong nakatulog siya para matitigan ko ng maigi ang kanyang mukha kaya napag desisyonan kong umupo muna sa sahig para mapagmasdan ko ang mukha nito ng mabuti. Napaka perpekto ng kanyang mukha . Sobrang amo niyang tignan kong siguro ay napapalagi lang ang pag ngiti nito malang ay nahulog na ako sakanya. Tumayo na ako at dumiretso sa kusina para mag luto ng almusal , May nakita akong Egg at hotdog yun na lang ang iniluto ko tsaka ako nag sangag ng kanin . Pagkatapos kong mag luto ay babalik na sana ako sa kwarto pero nakita ko naman itong gising na kaya inaya ko na ito para kumain ." Drake let's eat , I cooked breakfast for us " Naglakad na lang ulit ako pabalik sa kusina , Nag timpa na din ako ng kape tinanong ko naman ito kog gusto niya ding magkape " Gusto mo bang ipang timpla kita ng kape ? " Tanong ko dito Tumango lang ito bilang sagot. Pinagtimpla ko siya ng kape tsaka ko siya pinag salinan ng kanin at ulam sa pinggan nito Feeling ko tuloy para na kaming mag asawa Anak na lang ang kulang Haha char. Pagkatapos naming kumain nag hugas mona ako ng pinag kainan namin bago ako naligo pagkatapos ay sinuot ko na ang uniporme kong suot ko din kahapon. Malaki ang pasasalamat ko ng paglabas ko ay nakita kong wala si drake sa sofa . Naka medyas akong nag lakad palabas ng pinto , Hindi ko mona isinuot ang sapatos ko dahil sigurado akong maingay iyon dahil sa taas ng takong nito. Dahan-dahan kong hinawakan ang seradura ng pintoan palabas sa condo unit ni drake. Hindi ko nanaising makita ang nag didilim nitong mukha. He used to people who follow all his commands , I know that he don't want to know that I disobeyed him. Binuksan ko agad ang pinto 't agad na sinuot ang aking sapatos bago pumasok sa elevator . Lagpas alas syete nang makarating ako sa Stanford University , Sakto at alas otso ang ang unang klase ko para sa araw na ito . Naglalakad ako papunta sa Classroom namin ng biglang may nag salita sa harap ko. " Ay , Miss Room A-1 ka din ba ? Room A-1 din kasi ako pero hindi ko alam kong saan banda iyon . Pwede bang makisabay na lang ako sayo ? " Mahabang saad nito " Okey , Sure " I said Limang minuto rin kaming Naglakad-takbo at ngayon ko lang napag tanto na hindi rin pala ganon kaganda kapag napaka laki mg eskwelahan niyo. " Dito na tayo " tumigil kami sa kulay itim na pinto , Kumatok ako don hindi naman nag tagal ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa niyon ang matandang babae Hindi pa man kami nakakapag salita ay bigla na lang itong nag salita " Get out of my class now " Galit nitong turan grabe naman ng teacher na un napaka terror naman non. " Eh maam nandito pa naman kami sa labas . Mukha na ba kaming nasa loob ? " Saad ng lalaking kasama ko Nagsitawanan naman ang mga estudyante sa loob at kitang kita ko ang aking kaibigan na nakikitawanam din sa mga ito. " Then don't enter my class " masungit na saad nito " Tara sa garden tambay muna tayo doon , Ayun sa Schedule natin eh 2hours ang klase natin kay Miss:Paneda kaya 2hours din ang vacant natin. " Saad ko rito may binagay kase silang schedule saamin noong first day of class. Nagsimula na kaming mag lakad nagulat naman ako nang nakangiting nilahad nito ang kaniyang kamay para magpa kilala " I'm - - - - " " Drake's property so better you back off " Nagulat ako ng biglang may humablot sa braso ko , Napatingala ako ay halos takasan ako ng sarili kong kaluluwa ng makita ko ang galit na galit na mukha ni drake. Walang pasabi niya akong hinila at wala sa sarili akong nagpakaladkad sakanya. Bumilis agad ang t***k mg puso ko sa takot at kaba. Tumigil kami sa likod ng skwelahan at doon lang nito binitawan ang kamay ko. " You scaped " Madiin nitong saad , Nakayuko ako kaya nakita ko ang kamay niyang mahigpit na naka kuyom. " For what ? To cut your class and meet that abnoxious man !? " Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mapatingin sakanya. Hindi ko alam kong pag sisisihan ko ang ginawa kong pag tingin sakanya . Halos mag dikit ang mga kilay niya sa galit at Hindi na maipinta ang galit nitong mukha. kitang-kita ko rin ang galit nitong mala-Abung mata halos mahigit ko ang sarili kong hininga dahil sa nakakatakot nitong itsura na para bang kahit na anong oras ay makakapatay ito ng tao. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang suot niya, Naka simpleng jeans at grey V-neck na T-shirt lang ang suot nito. Halatang nagmadali itong pumunta rito dahil sa hindi man lang ito nag abalang mag suot ng uniporme, Nag madali ito para hanapin ako ? Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaisipang iyon. " Your not allowed to meet other man ! " Galit na bulyaw nito sa akin " Nor talk to them , Nor even throwing glances at them " Mahina ngunit may diin ma turan nito " You can't control my life " " I can ! " Galit na turan nito sa akin kong kanina ay nakaktakot na ito para sa akin mas doble pa ang takot at kabang nararamdaman ko ngayom. " Hindi mo ako pag mamay-ari , Hindi ako manika na manipulahin mo. Matatanggap ko pa ang mga iyoutos mo gaya nong una. Pero ang pag bawalan mo akong makipag usap sa ibang lalaki ? Ni makipag kaibigan at kunting sulyap bawal ? Hindi pwede yun. May sarili akong isip gagawin ko ,kung ano ang gusto kong gawin ! Kung alam ko lang na ganito pala ang kahihinatnan ng deal natin edi sana hindi na - - - " " Then what Euridyce !? " Sobrang nakakatakot na ang anyo nito pero hindi ko pwedeng ipakita sakanya na natatakot ako sakanya. Hindi pwedeng lagi niya na lang akong kinokontrol na parang isang manika. May sarili akong buhay at nasasa akin na iyon kong ano ang mga bagay na gusto kong gawin. " Edi sana hindi na lang ako pumayag sa deal natin. Hinayaan ko na lang sana na inalis mo ako sa trabaho ko at tinanggalan mo ako ng scholarship! Nang hindi na tayo nag kita pa at para hindi mo na pinapaki-alaman ang buhay ko na para bang isa akong laroan na pagmamay-ari mo ! " Mahabang saad ko rito Dadagdagan ko pa sana ang mga sinabi ko pero nakita kong mas dumilim pa ang aura nito . Halos maging itim na din ang mga mata nitong kulay-abo . kitang-kita ko ang panginginig ng braso nito sa pag titimpi. Kong kanina ay kaya ko pang titigan ito sa mata ngayon ay para na akong mahihigitan ng hinga dahil sa paraan ng pagtitig nito sa skin. " Take back what you've said Euridyce " Mahina pero mariin nitong sabi natatakot ako sa aurang nakikita ko ngayon sakanya . Nawala lahat ng tapang ko kanina " hindi mo gugustohin kapag ako ang nagalit , Hindi ako nakikipag biruan sayo ! Bawiin mo ang sinabi mo " Saad nito sa akin sa galit na tuno nito halos tumayo lahat ng balahibo ko dahil sa takot "Now speak ! " Napatalon ako ng suntukin niya ang puno malapit sa amin. Kitang-kita ko kong gaano ito kagalit ngayon . " J-joke lang yon . Binibiro lang kita " Utal na saad ko rito dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Nakita ko ang oag pikit ng mga mata nito. Kumalma ang eskpresyon ng kanyang mukha nang bumukas ang mga mata nito. Ang kaninang galit siyang ekspresyon ay unti-unti nang umamo. " Remember this Euridyce ! no one can take you away from me . No other man can touch you except me, Your mine ! I don't share what's mine" " Bakit ganyan ka ? " Wala sa sariling turan ko rito " You need to be part of my life to know the answer " Mababa ang tonong sabi niya Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha para makita ang itsura nito ngayon. " Then how can be I part of your life ? " Unti-unti siyang tumingin sa akin. At binitawan ang sagot niyang hindi ko inaasahan " Be my girlfriend . . . "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD