Habang nag lalakad kami para hanapin yung room namin. dito ko napag tanto na dumarami na pala ang Studyante . Yung ibang mga studyante ay masama ang tingin sa amin baka siguro dahil bago lang kami rito . Dumapo ang tingin nila sa amin . Tinignan nila kami mula ulo hanggang paa wala namang problema doon pero nakakairita.
I expected this , Syempre , Ano nga ba naman ang aasahan ko sa Paaralan ng mga mayayaman ? Of course ' Spoiled brat ' . Pero Hindi naman siguro sila lahat ay ganon . Bago lang naman ako dito kaya hindi ko pa masasabi kong ano ang mga ugali nito .
Nandito na kami sa ikalawang Silid-Aralan Dito sa pangatlong palapag . Abala kami ni sam sa pag hahanap ng Silid-Aralan namin sa 'Room A-1 '
Nang mapansin konh pahina nang pahina ang kanina 'y malakas na boses ng mga Studyanteng nag Bulong-bulongan Dahil naka tingin ang mga ito sa likuran namin na tila ba may kong anong paparating .
Pag harap ko para tignan ang siyang tinitignan nila ay siya namang Pag sulpot nang isang bulto ng tao sa harapan ko . Ini angat ko ang mukha ko. At ganoon na lang ang pagkawala ng kong ano sa aking dibdib nang makita ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko sa mga oras na ito 'Ashford Zhymon Drake Stanford ' Nakapamulsa ito habang naka harap sa akin . Napa tingin naman ako sa likutran nito at doon ko lang napag tanto na may kasama pala itong tatlo pang lalake . Maaring sila ang tinutukoy kanina sa akin ni Samantha na ' F4 '
Nag simula nanaman ang bulong-bulongan ng mga studyante sa paligid namin .
"Who's that girl ? "
patanong na saad ng isang babae sa mga kababaihang kasama nito . Maaring mga kaibigan niya ang mga kasama nito ngayon.
"Baka new toy ng F4 "
Saad naman ng babaeng kasama nito
"Pero she's beautiful kaya "
Lintaya naman ng kasama nilang naka salamin at may brace
" Omg! Euri sila ang sinasabi ko sayong F4 , Hindi ko alam ma kakilala mo pala sila . ikaw huh! pakipot ka pa "
Kinikilig namang turan ng aking kaibigan . Pinag masdan ko ang paligid at maraming matang masamang naka tingin sa akin na para bang may kinuha akong pag mamay-ari ng mga ito , Kabilang na doon ang pinsan kong si stecy .
Muli kong ibinalik ang aking tingin kay Drake na kanina pa naka tayo sa aking harapan. Pinag masdan ko ang kasuotan nitong panlalakeng uniporme na masasabi kong bagay na bagay sakanya . Nag mukha siyang badboy dahil nakabukas ang unang dalawang butones ng polo niya malayang sumisili ang itin na shirt mula sa loob nito at kapansin pansin din ang hikaw nitong nasa kaliwang tenga niya.
Alam kong sa mga oras na ito ay mas marami na ang mga matang naka titig sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang mga iyon
Nakita kong kumilos ang kamay nito at ini abot sa akin ang kulay itim na paper bag na kaninay hawak nito . Agad ko naman iyong tinanggap Nag tataka naman ang mga mata kong tumingin sakanya dahil hindi parin ito uma alis sa harapan ko . .
May Kinuha siya sa bulsa niya at niluwa non ang isang ' Pin ' Na nag lalaman ng pangalan at section ko . Iyon ang nag sisilbimg Identification namin ' NameTag ' kumbaga at apelyido at section ko lang ang naroon
' Lopez A-1 '
Napakagat ako sa ibabang labi Dahil tahimik nitong ipinin iyon sa aking polo bandang ibaba ng logo ko.
Nag simula nanaman ang bulongan ng mga Studyanteng naka tingin sa amin .
" Im sure na pag lalaroan lang yan ni Zhymon gaya ng mga naka fling niya before "
Saad ng isang babaeng naka tayo malapit sa amin
" Omg! Ang swerte niya naman '"
Saad ng isang babae .
" Ikaw na talaga beshyy ! "
Kinikilig na sambit ng aking kaibigan .
Sa bulong-Bulongang iyon hindi ko magawang mag salita para sumagot sa mga sinasabi ng mga taong naka palibot sa amin . Dahil naka titig ako sa mga mata nitong kulay-Abo ' Na wari mo 'y para akong nahihipnotismo Nang malamig nitong mga titig .
" Sana ibinigay mo na lang ito sa akin "
Mahinang usal ko rito pagkatapos nitong ikabit ang pin sa ibaba ng logo ko .
"Are you ordering me ? "
Kunot noong tanong nito sa akin
Umayos na ito sa kanyang pagkakatayo at muling namulsa .Tumayo ba rin ako ng tuwid
Hindi ko maiwasang mapa ngiti sa hindi ko malamang dahilan .
Kahit na Kinakabahan. Hindi ko alam kong bakit sobrang saya ko dahil nakita at naka usap ko siya .
" Im just suggesting .. "
Bigla naman nitong hinawakan ang aking kamay at walang sabi-sabing nag lakad kaya naman nag lakad na lang din ako . Naka sunod naman ang mga kaibigan nito at kaibigan ko sa amin . .
Tinahak nito ang ikatlong Silid-Aralan na siyang Silid-Aralan namin . Nagulat ako ng bigla niyang pina alis ang babainh kaninay naka upo sa upoan nito at may isa oang bakanteng upoan . Laking gulat ko na lang ng humarap ang babae ' Stacey '
Masamang tumingin ito sa akin bago kinuha anga mga gamit nito at umalis . Umupo na lang ako sa upoan kong saan naka upo kanina si Stacey
Napansin ko ang mga kaklase namin na kanina pala nanlalaki ang mga matang naka tingin sa amin . Na wari mo 'y pinag mamasdan ng mga ito ang bawat galaw namin.. Yung iba naman ay masamang naka tingin sa akin . Noong una akala ko dahil sadyang leader lang ng F4 ang kasama ko , Pero biglaang pumasok sa isip ko na anak din pala ng may ari nang paaralang ito .
.Kasalukoyang naka upo kami ngayon . Napapa isip ako kong ano kaya ang sasabihin ko kay aling betchay kapag nag sumbong si stacey sakanya .
Bigla naman akong nagising sa realidad ng biglang mag vibrate ang phone ko
Sam : " Hoy beshy ! Anong eksina yun ha ? "
Text nito saakin
Me: " Mag I explain ako mamaya kapag nasa apartment na tayo "
Reply ko naman dito dahil sa ka busy han ko katatrabaho nakalimutam ko ng ikwento sa bestfriend ko ang mga nangyare sa mga naka lipas na araw . Masyado lang kasi akong naging busy kakakayod ng pera para sana sa pang araw-araw
Kahit naman hindi nito sabihin sa akim eh , Alam kong nag tatampo ito sa akin . Sana maintindihan nito kapag pinaliwanag ko na ang lahat sakanya .
Napa tingin ako sa pintuan ng aming silid dahil pumasok doon ang isang babae na hindi pa naman ganon ka tanda . Siguro ay ito ang magiging prof namin ngayong araw
"Goodmorming maam! "
Sabay-Sabay na bati namin dito
" Goodmorning Everyone , My name is Mrs : Sabado And I am so excited to be your teacher this year . We are going to do so many Fun things and of cuorse we will learn a lot . I will be your prof in Entrepreneurship . Please introduce your self and Age , Let's start at the back .. .
Nandito kami sa likod kaya naman sa akin mag sisimula ang pag-papakilala
" My name is Zharriah Euridyce Lopez , 18 years old "
Hindi nag salit ang katabi ko kaya naman sumunod ng mag pakilala ang kaibigan ko .
"Im Samantha Saverdra 19 years old "
"Zhaidyn Enrique Smith 19 "
" Ysabelle salvador 18 "
"Alexander Blake Monterverde 19 "
" Janella anne Garcia 18 "
"Clarkson drix Gonzales 19 "
" Im stacey Chua 18 "
Isa isa kaming nag pakilala rito .
Ganoon lang din ang ginawa namin sa mga sumunod pa naming subjects . Introduction bukas pa mag sisimula ang unang klase .