Chapter 32

1678 Words

PABALYANG binuksan ni Francis ang pintuan nang makarating siya sa mansyon. Dahil doon ay napahangos palapit sa kaniya si Kora. “Francis! Naku, bata ka, akala ko’y pinasok na tayo ng magnanakaw. Ginulat mo naman ako. Nakahanda na ang hapag-kainan, baka nagugutom ka na,” wika ni Kora ngunit hindi iyon pinansin ni Francis. Tuloy-tuloy siyang umakyat ng hagdanan na labis na ipinagtaka ni Kora. Siya namang pagpasok ni Pilo sa pintuan ng kusina. Mabilis na nilapitan niya ang lalaki at inusisa. “Hoy, Pilo! Ano’ng nangyari sa amo mo at mukha galit iyon?” “Ha? Si Francis galit? Hindi naman nagagalit iyon, eh!” wika ni Pilo na pumulot ng mansanas na nasa tray sa gitna ng mesa at mabilis na kinagat iyon. “Eh, bakit hindi manlang namansin iyon nang salubungin ko? Sa hilatsa ng mukha ng amo mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD