IKA-WALONG KABANATA Summer Naalimpungatan ako nang may makarinig akong katok. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang kabilang kama at napagtanto kong wala na pala rito si Caleigh. Siguro’y nasa baba na. Matagal-tagal na rin kasi no’ng huli naming punta ng resort. Inayos ko muna ang sarili ko bago buksan ang pinto. Napa-atras ako at kinabahan dahil nandito ngayon ang lalaking laman ng isip ko mula pa kanina. “M-Miggy. A-Anong –” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang yakapin niya ako. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Bakit niya ako niyakap? “M-Miggy! A-ano ba?!” sigaw ko sa kaniya at pilit na kumakalas sa yakap niya pero sobrang higpit nito. Ano bang nangyayari sa kaniya?! “I’m sorry,” bulong niya sa leeg ko. “Sorry sa inasta ko kanina. Hindi ko sinasadya. Maging ako ay nagulat

