IKA-DALAWAMPU’T ISANG KABANATA Keiran “The CEO has arrived, Sir.” balita sa’kin ng sekretarya ko. “Okay. I-e-mail mo siya. Itanong mo kung tuloy ang meeting bukas.” sabi ko nang hindi tumitingin dito. Nire-review ko kasi ang ginawa kong proposal para sa isang araw. Ang FMC Fashion kasi ang mag-po-propose bukas. “Okay, Sir.” Lumabas na ito ng opisina ko. Matapos ng ilang oras ay may narinig akong katok. Inayos ko ang gamit ko dahil tapos na ako sa ginagawa ko. “Come in.” sabi ko. “Sir, nagreply na po ang CEO ng FMC Fashion. Tuloy daw po ang meeting bukas.” “Okay. You may leave now.” Umalis na ito na ito ng opisina ko at ako naman ay sumandal sa swivel chair. Nakakapagod! Maaga akong umalis ng kompanya at umuwi. I need to rest. Malaking kompanya ang makaka-meeting ko bukas.

