LYKA “Hindi ko hahayaan na maging masaya ka.” Sabi niya at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Pahirapan mo ako kung ‘yan ang paraan para mawala ang galit mo sa akin.” sabi ko sa kanya. Mabilis niyang inalis ang kamay niya sa braso ko. Lumayo rin siya sa akin. “Kung iniisip mo na mahal pa kita. I don’t love you anymore. Ayaw ko sa babaeng sinungaling at mahilig mang-iwan.” sabi niya sa akin. “Mas mabuti na hindi mo ako mahal. At tama ka sinungaling ako,” sabi ko sa kanya kahit na para akong pinap*tay sa mga sinasabi niya. Pero hindi ko naman siya masisi dahil galit siya sa akin. Mas gusto ko ito. Mas gusto ko na galit siya sa akin. Para mabilis ko siyang makalimutan. Para mabilis na mawala ang pagmamahal ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at lumapit ako sa anak ko. Narini

