LYKA’S POV “Tell me the truth, Lyka.” sabi niya sa akin. “Madam, ang totoo po kasi niyan. Hindi ko po talaga alam,” umiiyak na sagot ko sa kanya. Kasi ano ba ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung sino sa dalawa ang gumalaw sa akin. Kaya kahit pa pilitin niya ako ay wala akong sagot na maibibigay sa kanya. “Paanong hindi mo alam?” tanong niya sa akin. “Noon po kasi… noon po ay nagtrabaho po ako sa bar. At hindi ko po alam kung sino sa kanila ang kasama ko noong gabi na ‘yun.” sagot ko sa kanya. Biglang nag-iba ang tingin niya sa akin. Kakaibang emosyon ang nakita ko sa mga mata niya. Alam ko na marumi na ang tingin niya sa akin. Na mababa na ang tingin niya sa akin. Kaya nasasaktan ako. “At ngayon, anong balak mo? Anong balak mo sa anak ko? Nasaktan na siya noon at sasaktan mo rin? Ma

