(CONTINUATION OF FLASHBACK) “Hindi ka ba napapagod sa pagpapanggap mo?” tanong sa akin ni Blaze. “Pagod na ako, kaya tulungan mo naman ako. I need your help.” “Anong tulong naman ‘yan?” tanong niya sa akin. Nandito kami ngayon sa condo ng kakambal ko at nag-iinuman kaming dalawa. Hindi ko na kasi kaya pang magpanggap na siya. Dahil anytime baka biglang bumigay na ako sa kanya. “Kailangan ko ng magpakilala na si Brixon. Pero hindi ako puwedeng magpakilala ng mag-isa.” saad ko sa kanya. “Eh ano naman ang balak mo? Kahit naman siguro ako ay mapapagod rin sa ginagawa mong pagpapanggap. Naging two in one ka ba naman. Alam mo naman na magkaiba tayo ng personality pero ginagawa mo pa rin. Pinapahirapan mo rin talaga ang sarili mo. Bakit kasi hindi na lang kayo magbati?” nakangisi na sabi ni

