Gabi na ako umuwi nag overtime ako. Pagdating ko sa bahay nakita ko na nasa sila Haroka pati ang tita ni Kojima hindi ko sila pinansin umakyat ako sa taas. Nagpahatid lang ako ng pagkain sa silid ko. Ayoko silang makita. Nagising ako na may kumakatok sa pintuan ko. "Althea, Sweetheart. Magusap tayo please." Sabi niya. Mukhang lasing ito.Napakagat ako sa labi ko. Tumulo na lang ang luha ko. "Sweetheart. Alam ko nasaktan kita pero makinig ka mahal kita at balang araw mapapatunayan ko din yan sayo." bulong niya sa pintuan ko. Napaluha na ako saka napahawak ako sa bibig ko. "Gusto kong maniwa sa sinasabi mo. Pero iba ang nakikita ko sa sinasabi mo. Pano pa ako magtitiwala sayo." Bulong ko sa isip ko. Saka umiyak ako ng umiyak. Narinig ko na sinundo siya ni Haroka at ng Tita niya. Mas la

