Dinalana namin sila sa ospital. Inasikaso sila ni Akimitsu. Tulog siya ng dalahin sa magiging silid namin iisa ang silid na kinuha ko para sa amin. Nagising ako na may nakatingin sa akin. Nagulat ako ng makita ko siya. "Kojima!" Sabi ko sa kanya. Saka bumango. Imbis na sumagot siya nagulat ako ng halikan niya ako. Tinugon ko na lang ang halik niya. "I miss you sweetheart. Hindi mo lang alam kung papano ako nagalala ng todo sayo. Halos mabaliw na ako kakaisip kong papano kita makukuha sa kanila." Sabi niya habang nakatukod ang noo niya sa noo ko. Ngumiti ako sa kanya. " Hindi ako nawawalan ng pagasa alam ko na darating ka para kunin ako sa kanila. Na miss din kita Kojima. " Sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya. Niyapos niya ako. Naghiwalay lang kami ng may tumikhim sa likod namin. "

