?We've come so far
To leave it all behind
I wonder why
Why did you go away
You left me all alone?
Pumapailanlang ang kantang iyon habang tila dahan dahan itong naglalakad palapit sa gawi nya. Tila karayom na tumutusok sa puso nya ang liriko ng kanta. Yeah she left him because she needs to, for him to be happy.
Nanatili ang mga mata nito sa kanya. Matiim, malalim at may kung ano sa mga tingin nito. Pilit nyang sinasalubong ang mga mata nito kahit pa nga tila naninikip ang dib dib niya.
?No words can say
My love please stay
You and I
We have moments left to share
You and I
We can make it anywhere
You and I
We belong in each other's arms
There can be no other love
Now I know we can have it all...
Forever??
"Hi, nice to see you here." hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito at nasa harapan na nya pormal ang mukha at tila hindi makapaniwala sa presenya nya.
It took her a minute before she withdraw her eyes into his. She cleared her throat bakit ba parang nanunuyo iyon at nauuhaw sya.
Naramdaman nyang nakatuon ang paningin ng lahat ng nasa mesang iyon sa kanya. Ibinalik nya ang tingin dito saka ngumiti.
"Same here, it's nice to finally see you again".
Biglang nag iba ang hitsura nito matapos nya itong ngitian. Subalit hindi nya mabasa ang emosyong nakasulat sa mukha nito. Ibang iba na ang Fire na nasa harap nya.
Literally, he became more handsome now. That jaw dropping face of his which made her fall in love was now even more attractive. Agad dumako ang paningin nya sa mga labi nito. Oh, that lustrous lips, na palaging pinanggigilan nya noon.
"She's my date" rinig nyang sabi ni Homer na tila nagpabalik ng naglalakbay na imahinasyon nya.
Napalingon ito sa gawi ni Homer at kapagkuway ngumiti rito at iniabot ang kamay.
"Thank you for coming, you have a beautiful date with you Mr. Miranda." Komento nito.
"Thank you Mr. Dela Torre" kaswal na sagot ni Homer dito.
"Fire, we missed you" si Selene at agad namang lumingon ito sa gawi ng kaibigan.
Agad itong nilapitan ng binata at niyakap. Maging si Cathy at iba pang nasa Mesa ay binati nito.
"It's nice seeing you again guys." Nakangiting wika nito.
Bolero talaga kahit kailan. Yinakap at kinamayan nito lahat ng nasa mesa nila maliban sa kanya.
Why were you expecting girl?
Tanong ng isip nya. Nagpapa cute pa ang king ina. Akala mo naman ikina gwapo pa nito lalo iyon.
Nakasimangot na ibinaling nya ang paningin sa ibang direksyon.
"You seem to be bored at my party?"gulat na ibinalik nya ang paningin ngunit mas lalo pa syang nagulat ng matagpuang sa kanya ito nakatingin at nakatunghay ito malapit sa kanya.
Malamig at blangkong tingin na sinalubong nya ang matiim na titig nito bagaman tila nakangiti ito sa kanya.
"I'm just tired".
"Then go home". Walang anumang tugon nito sa kanya.
Napatda sya sa sinabi nito ngunit agad nyang iniayos ang sarili at sarkastikong ngumiti rito.
"Later" ibinaling nya kay Homer ang paningin, saka hinawakan ang balikat nito saka malambing na kinausap ito.
Muli nyang inangat ang paningin at pansin nya ang dagling pagdaan ng talim sa mga mata nito. Saka binalingan ang mga kaibigan nila.
"Enjoy yourselves guy's, there's a lot of food, feel comfortable".
"Thanks fire" si Cathy na sa kanya nakatingin.
"Tss....." Hindi nya napigilan ang sarili at lumabas iyon sa bibig nya.
Mailing dumako ang mga mata Ng mga kaibigan nila at ni Fire sa kanya.
"Whatttt....?" Tikwas ang kilay na tanong nya. Sabay laghok sa alak na nasa harapan nya.
Ilang minutong dumaan ang katahimikan sa paligid nila. Saka nagpaalam ang binata na aasikasuhin muna ang ibang mga bisita nito.
"Whooo, that was intense" si Selene.
"Your over reacting again Selene" nakangusong saway nya rito.
"You are obviously nervous woman" walang anumang komento ni Homer bago isubo ang steak sa bibig nito.
"I'm not" tanggi nya.
"Fire look really good, mas gumwapo ito ha" ani Cathy napahighik ito ng sawayin ni Albert.
"You choose me or him?" kunway nagtatampo pang tanong ni Albert dito.
"Oh baby, you of course, wala ng tatalo pa sa baby ko" saka dagling hinalikan nito ang nobyo sa lips.
"Tsk....kadiri" naiiling na wika nya sabay lagok na naman ng alak.
"Inggit ka lang, diba baby Albert".
"Yes baby Cathy".
Mga baliw.....
Marahas syang tumayo kaya muling nation ang pansin ng mga ito sa kanya.
"Where are you going?" Ani Homer.
"Magpapahangin lng ako ang oo a ng atmosphere dito eh." Sabay pukol ng tingin kina Cathy at Albert na natawa lng sa kanya.
"Call me when your done" baling nya kay Homer at tinalikuran ang mga ito.
Naglalakad sya sa hardin ng mapansin nya ang isang man made pond. Hindi ito agad mapapansin sapagkat natatakpan iyon ng mga bulaklak.
Namilog ang mata nya ng makita ang naggagandahang mga isda. Mayroong maliliit na ilaw sa gilid ng pond na lalong nakapag bibigay ng magandang view dito.
Naupo sya sa bench naroon na yari sa bakal. Saka muling sinulyapan ang bahay at napa iling.
Malaki na ang ipinag bago ni Fire. He looks like a successful businessman. He runs his own construction firm and some of his family company kaya hindi nakapag tatakang maipundar nito ang ganoong kalaki at kagandang bahay.
Tumingala sya sa langit. Kay raming bituin, nakangiting naipikit nya ang mga mata at ninamnam ang preskong hangin at mabangong amoy ng nga bulaklak.
That was one of the things she used to do. Whenever she's not feeling well , she looks up at the stars to see how bright they are while shining beautifully at the sky. It relaxes her senses.
"Hindi ka parin nagbabago, paborito mo parin ang mga bituin" a deep baritone voice brought her back into reality.
Inayos nya ang sarili at walang emosyong ibinaling ang paningin rito.
Nakapamulsa ito habang nakatayo sa gilid nya at nakatingala rin ito sa kalangitan.
"Old habits don't die easily" sabi nito saka ibinaling ang tingin sa kanya.
She did not understand why she was so horrified by his stares. Fire's earnest gaze seem loses her strength while various emotions are embedded in his eyes.
Naunang nagbaba sya ng tingin dahil hindi nya matagalan ang matiim na titig nito.
"There are old habits that needs to end immediately and should not be worried about. Especially when it's no longer good to us and slowly destroying us. " Malamig nyang tugon rito habang nasa mga isda ang paningin.
Ramdam nya ang mainit na mga mata nito sa kanyang gilid. Subalit hindi na sya nag abala ng panahon na tingnan ito.
Bakit ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Nakakapanghina parin, subalit kailangan nyang tulunga ang sarili nya. Move on Esh, move on. Stop destroying yourself because of him.
"I see. You really change a lot." komento nito.
"People change Fire". Matabang na sagot nya rito.
"Not everyone Esh".
She look at him and she saw that familiar emotions through his eyes. Tenderness.
She shook her head. Nagbibiro ba sya o dinadaya lng sya ng mga mata niya.
Her chest tightened with his presence. His manly smell filled into her nostrils . He smelled so damn good and it's making her insanely drunk.
"Vacation?" Kapagkuway tanong nya rito, ayaw nyang magmukhang tanga sa harapan nito. She should have to control her emotions and ilang beses na nyang prinaktis iyon. Hindi sya dapat sumablay.
"No, I'm staying for good" napakislot ang puso nya ng matiim syang muli tinitigan nito habang sinasabi ang nga iyon. Unti unting binubuhay ang kaba sa dibdib nya. Habang magkahinang parin ang kanilang mga mata.
"May mahalaga akong pag aari na kailangan ko ng bawiin. Masyado ng matagal ang panahon na tiniis ko. " saka sya nito tinalikuran.
May kung ano na namang kumislot sa puso nya. Tila may ibang kahulugan ang sinasabi nito. Wala sa loob na napahawak sya sa dibdib nyang tila sasabog na sa kaba.