Napatingin siya sa tabi niya nang magising siya. Hapon na at late na siyang nagising dahil puyat nga siya. Pagod na pagod ang katawan niya dahil sa binata. Nalibot niya na ata ang hotel room habang may ginagawa silang milagro. Dahan dahan ang pag bangon niya dahil para siyang binugbog at binalibag sa sobrang sakit ng katawan niya. "Caeden?" she called him. Walang sumagot kaya mabilis siyang nag bihis at lumabas ng kwarto. Wala si Caeden sa buong hotel kaya nag taka siya. Chineck niya ang cellphone niya kung may iniwan ba itong mensahe pero wala rin. Agad niya itong tinext para tanungin kung saan. Umupo siya sa sofa para hintayin ang reply nito pero walang message na dumating. Sinubukan niyang tawagan ang number nito at may sumagot naman. "Hello? Caeden-" "Hello? Who's this?" N

