Chapter 1

1998 Words
Napapikit si Miracle nang nabugahan siya ng maitim na usok galing sa jeep na huminto sa harapan niya. Kabababa niya lang kasi at may huminto kaagad. Napaubo pa siya at winagayway ang kaniyang kamay para maalis ang usok sa mukha niya— kahit alam niyang wala rin iyong magagawa dahil nalanghap niya na. "Kuya naman, may interview pa ako," bulong niya at napanguso pa. Pinagpag niya ang damit para maiayos ang nakusot nang bumaba siya sa jeep. Napalunok siya nang itaas ang tingin sa malaking building na nasa harapan. Albrect Technologies — C.A Empire. May labing dalawang palapag iyon at idagdag pa ang rooftop na may helipad. Ganyan lang naman kayaman ang may-ari ng kompanya na nasa harapan niya. Laking pasalamat niya nang matawagan siya at imbitahan para sa gaganaping interview ngayong araw sa Albrect Technologies. Nangangailangan ng secretary ang CEO at halos lumuwa siya nang makita ang 70 thousand pesos na salary kada buwan. Malaking tulong na iyon para sa mga bayarin niya. Nag sumikap lang naman kasi siya lumuwas ng manila para makahanap ng trabaho. They live in Puerto Princessa, Palawan. Medyo mahirap ang buhay nila pero kinakaya pa naman. May negosyo naman ang magulang niya na maliit na pwesto sa palengke. Nag bebenta sila ng gulay, prutas at mga isda. Pero kahit gano'n hindi pa rin sapat para makapag-ipon ng malaki. Sa totoo lang hindi naman ganito kahirap ang buhay nila. Mayroon silang business noon, may mga lupa at iba pang na invest sa mga kompanya ang ama pero nawala iyon at nagkautang-utang pa nang may mangyari sa kaniya. She got accident. Malala ang nangyari sa kaniya at na comatose pa siya ng isang taon. Hindi siya sinukuan ng magulang kahit naubos na lahat ng property nila at business. Mabuti na nga lang kahit papaano ay naisalba nito ang maliit na bahay at lupa sa palawan na dating bakasyunan lang nila. Mahirap lang din para sa kaniya dahil nang magising siya ay hindi niya alam ang gagawin. She lost her memories. Kahit magulang niya ay hindi niya kakilala, maski ang sarili niya. Her parents didn't stop taking care of her. Pinakita nito ang mga pictures ng bata pa siya at mga pictures nila. Hindi niya nga lang alam kung bakit wala siyang mga pictures ng college life niya, pero ang alam niya lang ay summa c*m laude siya nag tapos. So in that she knew to herself that she can take this kind of job. Lahat naman ay napag-aaralan kaya magiging malakas ang loob niya para sa pamilya niya. Muli siyang huminga ng malalim bago nag umpisa lumakad papasok sa napakalaking building. "For interview po ba?" Magalang na tanong ng guard. "Yes po kuya," ani niya. "Pasok na po ma'am. Kumain po ba kayo? Marami na po ang tao sa loob. Isang bagsakan lang kasi ang interview ngayon dahil kailangan pa ng isang secretary ni boss." Napa 'O' shape ang kaniyang labi. Hindi niya alam na may secretary pa rin pala ang CEO dito. "Ah, akala ko po dahil wala na siyang secretary." "Meron pa naman, marami lang talagang ginagawa dito, alam mo naman ay palaki ng palaki itong company ni sir Caeden. Pero pag nakapasok ka tiyak na sobra pa ang swerte mo. Generous mag bigay ang pamilyang Albrect! Pero payo ko lang sayo hija, galingan mo ha? Kasi sa tagal ko na rito, ang alam ko ay lalaki lang ang kinukuha ni sir pag secretary ang hanap. Madalas kasi may mga nagpapanggap na lang dito na gusto mag trabaho para lang malapitan si sir Caeden! Wag mo ipakita na may gusto ka o interesado ka kay boss!" Mahabang litanya ng guard. Nagpasalamat na lang siya sa payo ng guard kahit medyo natagalan siya roon. Binigay niya ang isang copy ng resume doon sa empleyado na nag aassist ng mga interviewee. Pinaupo siya sa upuan at doon siya nag hintay. Napatingin siya sa hawak niyang numero- number 40. Ganito karami ang napili nila, ibig sabihin ay maraming may magagandang credentials. Nilibot niya ang paningin at lima lang silang babae na naroon. "Ikaw na po ang last na ma-interview. Wait na lang po kayo at wag na lang aalis." The employee said. She nodded and give her a smile. "Thank you po!" Habang nakatanaw sa mga nag hihintay ng turn nila ay doon na pumasok muli sa isip niya ang sinabi ng guard. 35 ang lalaki at 5 lang ang babae. Paano siya magkakaroon ng chance nito kung lalaki naman ang gusto ng boss nila. Napapikit siya at nanalangin sa diyos na bigyan siya ng malaking chance ngayon. "Are you... what the f**k?" Naidilat niya ang mata niya nang marinig ang baritonong boses na mukhang gulat na gulat. Her eyes went to the man standing in front of her. He has a pair of green eyes and coffee hair color. Matangkad ito at nakasuot ng olive green suit. "Huh?" Nagtaas ang kilay nito sa kaniya. Hindi pa rin nawawala sa mukha nito ang pagtataka. "B-bakit po?" Marahan na tanong niya. Mukhang hindi ito narito para sa interview dahil iba ang aura at datingan nito. Lalo na't nagsusumigaw ang mamahalin nitong rolex na suot. "You are—" "Miracle Quijada? Ms. Miracle-" "Ako po ma'am!" Nagtaas siya ng kamay nang tawagin siya ng isang empleyado. "May xerox pa po kayo ng valid id? Primary ID po sana." Sunod sunod siyang tumango at agad na napatayo pa habang binubuksan ang envelope na dala. Napaatras tuloy yung lalaking nasa harapan niya. "Ito po, okay na po ba o may kailangan pa po kayo na documents?" Tanong niya. Siyempre dapat ay sigurado siyang kompleto siya sa documents. Ayaw niyang pumalpak kahit interview pa lang. Dito na agad masusubok kung gaano siya ka organize at maayos trumabaho. "Wala na po, maghintay na lang po kayo na tawagin ang number niyo. Thank you po!" Umalis na ang lalaki kaya napatingin naman siya sa isa. "May kailangan po kayo sir?" She politely asked again. Mukhang mataas ang position nito sa kompanya dahil sa ayos nito. Baka mapano pa siya kung hindi niya ito pansinin. "You are applying for the secretary position?" He asked. "Yes po." "Talagang dito pa?" "Po?" "Do you know where you are right now? Its ALBRECT technologies under C.A Empire." Pinagdiinan nito nag Albrect na pangalan na parang may pinapahiwatig sa kaniya. "Y-yes po? Alam ko po—" "CAEDEN ALBRECT," he became serious. Napakurap siya dahil mukhang inis na ito. "Ano po bang-" "CAEDEN ALBRECT— C.A... ring the bell?" Ani pa nito. "Iyong CEO po dito? Bakit po?" Nagtataka man siya pero sumagot pa rin siya. His mentioning the name of the CEO in this company like he is his friend. Friend... Friend? Maybe he's a friend of the CEO? Bago pa siya magsalita ulit may isang boses siyang narinig. "Wesley..." "Caeden... why you are early? Tapos na ang meeting?" Tanong ng lalaking kausap niya lang. So his name is Wesley. Hindi sumagot ang lalaki na tinawag nitong Caeden. Nanlaki ang mata niya nang bumaling ito sa kaniya. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kaya halos manginig ang pagkatao niya. Kinakabahan siya. Caeden... She gulped when she realized that he is Caeden Albrect— the CEO of this company. "G-good afternoon po," bati niya at ibinaba ang tingin. "Bro—" pinutol ni Caeden ang sasabihin ni Wesley. "Come to the office for the interview." Hindi pa siya nakakapagsalita nang talikuran siya nito. Napatingin siya kay Wesley at nagkibit balikat ito. Sumenyas ito na sumunod siya kay Caeden kaya dali-dali niyang sinukbit ng maayos ang bag niya at sinundan ito. "B-bakit po sa office niya?" Bulong niya kay Wesley. "Do you have amnesia or anything? Seryoso ka ba talaga?" biro nito pero medyo seryoso pa rin ang mukha. Di niya alam kung bakit komportable siya rito kay Wesley kahit nakaka-intimidate pa rin ang datingan nito. "Meron po." She answered honestly. "Anong meron?" Bulong nito. Sumakay sila sa elevator at pumwesto siya sa harapan ni Caeden dahil naunang pumasok ito kasama ang secretary na lalaki. "Amnesia? Nag tatanong ka po diba?" "W-what? Like real amnesia? As in wala kang maalala-" "Wesley can you please shut your f*****g mouth?" Halos dumagundong ang puso niya ng marinig ang malalim na boses ng binata. Parang kakawala na ang puso niya sa ribcage. "Calm down bro! Gusto ko lang naman maki-chismiss. Bakit ikaw hindi ka ba nagtataka kung bakit at anong ginagawa niya rito?" Sumandal si Wesley sa elevator at tinitigan siya. Kahit naman nakatuon lang ang tingin niya sa harapan ay ramdam niya ito. Wesley looks intimidating but he has a playful side. Para ngang close sila kung umakto ito. Tumunog ang elevator nang hindi pa rin kumikibo si Caeden. Sumunod lang siya sa binata hanggang sa loob ng office nito. Hindi na sumama ang secretary nito at si Wesley. "Goodluck," Wesley said before she finally entered in Caeden's office. "Uhm... Here's my resume Sir," inabot niya ang copy ng resume niya rito dahil baka wala itong copy. She expected to be interviewed by Hr not the CEO. Kung kanina ay kinakabahan siya sa mga HR mas lalong dito dahil mas nakakatakot ang aura nito. He didn't say anything. Hindi nga man lang ito nagsabi na maupo siya. Nakatayo pa rin siya habang nakatingin sa binata. Doon niya lang ito natitigan ng husto. Guwapo na ito sa picture pero iba pa pala ang kagwapuhan nito sa personal. His manliness is insane. He has a thick eyebrow, tantilizing eyes, pointed nose and his lips... She gulped. She wet her lips using her tongue. "Are you gonna just stand up there?" Umangat ang tingin nito sa kaniya. Tumikhim siya at mabilis na umupo sa harapan na upuan nito. Nakatingin ito sa resume niya. "So, why are you here? You have a guts to go here... what a incredible woman you are." His words are harsh even if she doesn't know what he's talking about. "Sir, I'm here for a job. Hindi ko po kayo naiintindihan ni sir Wesley. Do you know me?" lakas loob na tanong niya. Hindi naman pwedeng hindi niya malaman kung ano ba ang pinupunto ng dalawa. Sinalubong niya ang nagbabagang tingin ng binata. She feels like he is reading her mind and soul. "Why should I hire you, Ms. Quijada?" Hindi ito sumagot sa tanong niya bagkus ito ang nag tanong. Binasa niya muli ang labi bago magsalita. "I am confident that I can do all the responsibilities as your secretary. I can't say I'll be perfect because no one is perfect but I can do my best to assist you and learn all the things here." Mabuti na lang ay nakasagot siya ng maayos kahit kinakabahan na siya. "Tell me about yourself... oh, can you tell me about yourself? I heard you have amnesia?" There's a hint of sarcasm in his voice. "Yes I have amnesia—" "Can you work in that state? You don't have a memory—" "Of course sir. Wala lang akong maalala pero hindi naman ako lumpo." Hindi niya alam kung bakit siya biglang nainis. Pinutol niya rin ito sa pagsasalita dahil ganon din naman ang ginawa nito. Tumaas ang kilay nito. "Are you pissed?" Huminga siya ng malalim. "Naguguluhan ako sa inyo, hindi ko lang kayo ma gets. Kilala niyo ba ako?" "Yes." Her heartbeat became fast. "T-talaga?" She has hope in her voice. She tried to find her friends but she can't find them. Hindi niya kasi alam kung bakit wala rin siyang social media. Parang nag delete siya pati na rin mga pictures ng college life niya. Hindi niya alam kung bakit... napagod na rin naman siya mag hanap. Kung bakit niya ginawa iyon siguro ay may malaking dahilan. "But I won't tell you any details. Probably you will remember it soon. By the way you're hired. Congratulations and welcome to hell." Tumayo ito at nilagpasan siya. Dumeretso ito palabas ng office at naiwan siyang tulala. Iniisip niya mabuti ang huli nitong sinabi. Congratulations and Welcome to hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD