"Good morning." Namulat ang mata niya nang makita si Caeden na nasa tabi niya. He's topless again with his gray pants. "Oh... Nakauwi ka na pala," ani niya. Hindi mapigilang hindi maging matabang ang boses. Parang ang tagal kasi niya ito hindi nakita. Ilang araw din itong paalis alis ng hindi niya alam. Minsan ay nasa office, bigla na lang aalis at hindi nito sinasabi kung saan pupunta. "Yes... I miss you," ani nito at hinatak siya para yakapin. Napasubson ang mukha niya sa hubad nitong dibdib. "Wala kang lakad? Sabado ngayon." Tinulak niya ito palayo at tiyaka bumangon. Sabi niya noong una hindi siya aakto na parang nagtatampo pero hindi niya kaya. Naiinis at nagtatampo talaga siya sa binata kahit nag sorry pa ito noong nakaraang araw. "It's saturday. Wala tayong office." Bu

